KAILANGANG mag-ipon ng Star Cinema ng $300,000 para mapapunta sa Pilipinas ang international superstar na si Jackie Chan para i-promote ang latest movie nitong The Knights of Shadows: Between Yin and Yang, na mapapanood na sa Pebrero 6.

Jackie Chan copy

Kuwento ng Vice President at Head ng International Acquisitions ng Star Cinema na si Enrico Santos sa media briefing, maaari nilang mapapunta si Jackie sa Pilipinas basta sakay ito ng pribadong eroplano.

“Ayaw kasi niyang bumiyahe kaya private talaga. Iba naman kasi siya. And he is the only Chinese to brake international.”

Tsika at Intriga

Sofia keber kung ma-link si Kathryn kay Alden: 'Bahala siya, matanda na siya!'

Ikatlong pelikula na ni Jackie ang Knights of Shadows: Between Yin and Yang na release ng Star Cinema, kasunod ng Chinese Zodiac noong 2012 at Kung Fu Yoga noong 2017, na parehong kumita.

At mukhang paborito rin ng TV executive si Jackie, dahil sa tuwing bibili siya ng pelikula ay laging hinahanap niya ang latest movie ng international superstar.

Anyway, ang The Knights of Shadow ay isang action-fantasy epic na ginagampanan ni Jackie, sa karakter ni Singling, isang demon hunter na ipinagtatanggol ang mga tao mula sa inhuman invasion.

Nagsimula ito nang pagkikidnapin ang mga village girls para pagpistahan ang kanilang kaluluwa. Nakipagtulungan si Jackie sa isang pulis, kay Fei, na ginagampanan ni Austin Lei, at isang grupo ng friendly monsters.

Makakasama rin ni Jackie sa movie sina Elaine Zhong, Lin Peng, at Ethan Juan mula sa direksiyon ni Jia Lu, a.k.a. Vash.

Nakilala naman si Vash sa kanyang mga pelikulang Batham: Under The Red Hood noong 2010 dahil sa visual effects, at sa 2014 3D movie na Bugs.

At si Kiefer Liu, isa sa pioneer ng 3D sa China ang gumawa ng The Monkey King, ang producer din ng The Knight of Shadows.

“Ito ang pinakapambatang pelikula ni Jackie dahil pinaghalong Magic Temple at Ramon Revilla (Sr.) agimat fantasy world, magic wand na pumapatay ng demon,” sabi ni Enrico.

“Nakaiiyak na pagdating ng middle part. Sa first part ‘yun ‘yung pambata, pampamilya, Kung Fu then sa middle part na nag-ala Romeo and Juliet kaya pang-GF-BF din itong pelikulang ito.”

At ang bagong ginawa ni Jackie sa pelikula na ngayon lang nangyari sa paggawa niya ng pelikula: “First time itong ginawa ni Jackie Chan. Mga 15-20 mins na fight scene sa zero gravity. Alam naman natin na bawal kay Jackie Chan ang double. Tapos iba-iba ang harness na ipinakita na parang ‘yung nakikita natin sa Aquaman, ‘yung iba-iba ang position.”

Nabanggit pa ng TV executive na ang pelikulang The Knight of Shadows ang sagot ng Asian sa superheroes na hindi kailangan ng kapa para makalipad o ‘yung American films na may super powers.

“Mae-excite rin ang mga bata kasi may iba’t ibang creatures na makikita. Tapos ang galing ng fight scene na nahati ‘yung katawan sa dalawa na parehong nakikipaglaban.

“ Tapos may nagsasalita ring baboy. Siguro bilang pang-Chinese New Year offering ito,” say pa ni ECS (tawag kay Enrico).

May gaganaping screening ang Knight of Shadows: Between Yin and Yang sa February 5 sa ABS-CBN Studio Experience sa 4th floor ng Trinoma.

“First time itong ginawa ng ABS-CBN kaya gusto kong ma-experience ninyo ito,” sabi pa ni Enrico.

-REGGEE BONOAN