SA ginanap na premiere night ng pelikulang ‘TOL nina Joross Gamboa, Ketchup Eusebio, Arjo Atayde at Jessy Mendiola, ay nakita naming maraming supporters na nagpapa-picture kay Sylvia Sanchez na dumalo kasama ang buong pamilya bilang suporta sa pelikula, na produced ng Reality Entertainment na idinirek naman ni Miko Livelo.

Maine at Arjo

Sanay na kaming makakita na maraming supporters na nagpapa-picture sa mga artista, pero itong kay Sylvia ay napansin namin na seryoso at medyo matagal silang nag-usap. Hindi naman namin narinig dahil abala kami sa kakukuha ng mga larawan ng ibang dumalong artista tulad nina Angelica Panganiban, Joem Bascon kasama ang long time girlfriend, Sue Ramirez with Joao Constancia, Maris Racal, Ria Atayde, Robi Domingo, at siyempre si Luis Manzano.

Nang pauwi na kami ay saka lang nabanggit ni Ibyang na mga supporter sila ng AlDub na talagang dumalo para mapanood ang pelikulang ‘TOL at para na rin kausapin ang aktres dahil napanood nila ang Facebook live ng presscon ng Jesusa na pinagbibidahan niya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kuwento ni Sylvia, “mga AlDub fans sila, humingi sila ng dispensa kasi sa mga ginagawa ng ibang kasamahan nila.”

Nabanggit ng aktres na hindi rin pabor ang mga nasabing supporter nina Alden Richards at Maine Mendoza sa mga paninirang ginagawa ng kasamahan nila.

May mga naka-chat din kaming fans na nagsabing hindi lahat ng AlDub ay hindi gusto ang relasyong Arjo at Maine. Anila, mahal nila ang dalaga kaya lahat ng bagay na nagpapasaya sa kanya ay suportado at mamahalin din nila.

Inisip tuloy namin, sino ang mga taong nasa likod ng AlDub na patuloy na bumibira nang husto sa ARMAINE?

Anyway, kami na ang magsasabi na wala na kayong magagawa kung gusto o nagmamahalan sina Arjo at Maine dahil hindi ninyo hawak ang mga buhay nila. Dalawa lang naman ang pagpipilian ninyo, mahalin n’yo o iwanan n’yo ang idolo ninyo, tapos!

At para matawa kayo, panoorin n’yo na lang ang ‘TOL na nagsimula nang ipalabas kahapon para mawala ang init ng mga ulo ninyo maski paano.