FINALLY, umamin na rin si Xian Lim na girlfriend na niya ang Chinita Princess na si Kim Chiu. Sa kabila nito, nagpaliwanag ang aktor kung bakit matagal pa nilang inilihim ng aktres ang kanilang relasyon, kahit pa maraming pagkakataon na ibinubuking sila ng kanilang mga nakakasama sa trabaho.

Xian at Kim copy

Last year, November 2018, inamin ni Kim kay Boy Abunda, sa guesting niya sa Tonight With Boy Abunda, na sila na nga ni Xian. Hindi ito masyadong umingay dahil si Kim lang ang nagtapat, at pakiwari ng iba’y nagbibiro lang ang aktres.

Nag-umpisang ma-link ang dalawa nang magkasama sila sa My Binondo Girl taong 2011.

Tsika at Intriga

Sofia Andres, naghahanap ng PA na 'kayang basahin nasa isip' niya

Sa interview kay Xian, sinabi niyang silang dalawa ni Kim ang nagdesisyong aminin na ang tunay na estado ng kanilang relasyon sa madlang pipol.

“Hindi naman siya kinailangan. It’s just sort of natanong after so many times. After so many times na natatanong, dumarating naman sa point na... noong una kasi, nakakatakot na umamin. Kasi ang dami sa outside world na nagsasabi na, ‘Kasi ganito ‘yan, e.’

“Dumating na rin siguro sa point na hindi na namin ipino-promote ‘yung love team namin.

“Kasi, ‘yun ang laging sinasabi nila na, ‘Kasi, magka-love team lang ‘yan, kaya nagsu-sweet-sweetan lang ‘yan.’ At a very early stage ang dali kasing buwagin, e.”

Paliwanag ni Xian, natakot siyang makaapekto ang sinasabi ng iba sa relasyon nila ni Kim.

“Maraming pumapasok, maraming... nasabi ko naman sa (guesting ko sa) Magandang Buhay, na nung magsisimula pa lang kami, ang daming tutol sa relationship. Ang daming nagsasabi na, ‘‘Yang si Xian ganito kasi ‘yan. Gusto lang niyang maki-ride. Kasi may show ‘yan, gusto lang i-promote’.

“At one point, wala naman kaming pinag-usapan.Dumating naman kami sa point na ang dami naming pinagdaanan,” paliwanag ni Xian.

Kahit tapos na ang love team nila ni Kim onscreen, marami pa rin ang gustong malaman kung handa ba si Xian na i-produce ang love team nilang dalawa, lalo na ngayon na nag-venture out na siya sa movie production.

“Nababanggit ko kay Kim ‘yan. Sinasabi ko sa kanya na, ‘Kim, alam mo naman na nagtayo na ako ng...’ hopefully, hopefully. Nasa istorya pa naman ‘yan, e.

“After taking the class of Sir Ricky Lee, and mentoring sa iba’t ibang... hopefully talaga, makagawa kami ulit ni Kim.”

Taong 2015 pa nang huling magkasama sa pelikula sina Xian at Kim, para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na All You Need Is Pag-Ibig, mula sa Star Cinema.

-Ador V. Saluta