ANG Kapamilya actress na si Beauty Gonzalez ang gaganap bilang si Nancy Dela Rosa sa bioflick ni dating PNP chief Ronald Dela Rosa, ang Bato: The General Dela Rosa Story na ipalalabas na sa susunod na buwan.

Sa ginanap na presscon for their movie, sinabi ng aktres na naging malaking hamon sa kanya na gampanan ang karakter ni Nancy lalo na dahil hindi niya ito kilala.

“Hindi ko siya nakausap and hindi ko siya na-meet, but with the help of our director, nakilala ko na din naman ‘yung character ng role ko,” sabi ni Beauty.

Sa pananaw ng aktres, malayung-malayo raw si Bato sa pagkakakilala ng karamihan.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Sweet at may pagka-charming kasi si Bato sa totoong buhay. He’s a loving father to his kids kaya siyempre cute din, kasi ang mga Bisaya takot ‘yan sa mga misis nila,” sabi pa niya.

Unang beses lang makakatrabaho ni Beauty si Robin Padilla kaya inamin niyang nasabik siya sa proyekto.

“It’s a great privilege na makatrabaho ko si Mr. Robin Padilla, icon na siya and I’m very excited to this movie talaga for him kasi medyo matagal na natin siya hindi nakikita mag-action, doon talaga ako excited,” sabi pa ni Beauty.

-Ador V. Saluta