PATULOY na umaani ng papuri ang pagganap ni Martin del Rosario bilang transgender sa Born Beautiful, at labis itong ikinagagalak ng aktor.

Martin

Hindi ito ang unang pagkakataon na gumanap si Martin bilang gay. Ang ipinagkaiba nga lang, tadtad ng maraming kissing scenes between two males ang Born Beautiful. May love at rape scenes pa nga.

Para magmukhang babae, kinailangang magpa-wax ng mga balahibo sa katawan niya si Martin, at ubod daw ito ng sakit, dahil likas na balbon ang aktor. Sa bandang huli, nag-shave na lang si Martin ng mababahibong bahagi ng kanyang katawan.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Film critics say na deserving si Martin sa Best Actor award from different award giving bodies dahil sa husay niya sa Born Beautiful. Pero, ayaw umasa ni Martin na magkaka-award siya.

Taong 2014 nang manalo si Martin bilang Best Supporting Actor sa Urian Awards para sa pelikulang Dagitab. Para sa kanya, maituturing nang award kapag binabati siya ng “congratulations” for an acting well done, gaya ng ipinamalas niya sa Born Beautiful.

-REMY UMEREZ