INIAKYAT ng Games and Amusement Board (GAB) ang usapin sa kanilang mandato sa on-line sabong sa Court of Appeals (CA).

Ipinahayag ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra na isinampa ng legal team ng ahensiya sa CA ang apela sa inilabas na ‘Writ of Permanent Injuction’ ng Regional Trial Court ng Makati City hingil sa kasong isinampa ng Manila Cockers Club, Inc. laban sa GAB.

“We already filed an appeal to CA with regards on ‘Writ of Permanent Injuction’ issued by the Makati RTC last January 4, 2019,” pahayag ni Mitra. “Mandato namin na preteksyunan ang lahat nang aming nasasakupan,” aniya.

Ang ‘Writ of Permanent Injuction’ ay nagbabawal sa GAB na ipasailalim sa kanilang kapangyarihan ang Off-Cokpit Betting Stations (OCBCS) ng Manila Cockers Club, Inc.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

“Now, Therefore, Respondents Abraham Kahlil B. Mitra and Games and Amusement Board, and all other government agencies and instrumentalities that form part of, may be deputized by or otherwise act under the authority of the Games and Amusement Board including particularly its Anti-Illegal Gambling Unit are now permanenetly enjoined from directing and or otherwise causing, the closure (whether temporary or otherwise) or disruption of the operations of all the Off-Cockpit Betting Stations operated by MCCI,” bahagi ng Writ of Permanent Injuction.

Iginiit ni Mitra na ang apela ng GAB ay may ayuda ng Office of the Solicitor General.

Matatandaang ipinahinto ng GAB ang on-line sabong ng Manila Cockers Club, Inc. dahil na rin sa mga natatatangap na reklamo na nagagamit ang mga registered off-track betting station ng mga karera.

“Mas madali kasi ang tayaan sa on-line sabong, kaya talagang apektado rin ang betting sa mga off-track station natin,” pahayag ni Mitra.

Iginiit ng MCCI na lisensyado ng local na pamahalaan ang kanilang operasyon, ngunit sinabi ni Mitra na walang problema kung nag-ooperate lamang sila sa isang lugar.

“Online ito, hindi ito limitado sa isang lugar lang, buong mundo nakakasama rito, kaya responsibilidad namin na proteksyunan yung mga legal na laro na sanctioned naming,” pahayag ni Mitra.

-Edwin G. Rollon11