Response Management Division, sa lagay ng panahon at nakikipag-ugnayan sa iba pang mga ahensiya ng pamahalaan, rescue teams, local social welfare, development offices at local DRRMCs para sa regular updates sa sitwasyon at sa kanilang disaster response operation.
“The DSWD 13 Field Office will continuously provide augmentation assistance to the affected families in the said three municipalities of Agusan del Sur province,” dagdag ni Lim.
Naglaan naman ng kabuuang P16,330 halaga ng tulong ang pamahalaang bayan ng Sta. Josefa sa bawat apektadong pamilya.
Tumutulong na rin ang pamahalaang panglalawigan ng Agusan del Sur sa mga binaha.
“We are already mobilizing our social welfare personnel and rescue teams to assist the victims of flash floods in said towns,” ani Lim.
Patay ang tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) habang hindi tiyak na bilang ng mga rebelde ang nasugatan nang makasagupa ng mga ito ang tropa ng 29th Infantry (Matatag) Battallion sa liblib na lugar ng Patagon area, Barangay Anticala, Butuan City nitong Linggo.
Sa pagbabahagi ni Maj. Ronald C. Putol, Civil Military Operation (CMO) officer ng 402nd Infantry (Stingers) Brigade ng Army sa BALITA, bahagi ng SYP 21-C of Guerilla Front 21 ng CPP-NPA Northeastern Mindanao Regional Committee sa ilalim ng isang “Commander Anub” ang nakaengkuwentro ng militar, bandang 1:30 ng hapon nitong Linggo.
Makalipas ang halos 15 minutong bakbakan, umatras ang mga rebelde.
Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang ilang gamit pandigma kabilang ang isang AK47 rifle, dalawang M16 Armalite rifles at isang M203 grenade launcher at iba’t ibang bala.
Samantala, isang legal front leader at anim na rebelde ang sumuko sa militar kasama ng kanilang mga armas, nitong nagdaang linggo.
Kabilang sa sumuko ang isang ‘Alyas Roy’, na NPA legal leader at pinuno umano ng ‘Panalipdan’ Mindanao at Vice Chairman of ‘Indug Katawhan’ noong 2014, sa command group ng 71st IB, ayon kay 1st Lt. Jhocell D. Asis, Civil Military Operation (CMO) officer ng Army’s 71st Infantry (Kaibigan) Battallion.
Dati rin umanong kolektor ng Weakened Guerilla Front 2 (WGF 2), Sub-Regional Committee 2 (SRC 2) ng CPP-NPA Southern Mindanao Regional Command (SMRC) noong 20015 ang sumukong rebelde, na isiniwalat pa sa militar ang ilang kanyang aktibidad bilang kolektor ng grupo.
Bukod kay alyas Roy, anim na dating regular na miyembro ng NPA ang sumuko sa 51st Infantry Battalion (51st IB) sa Iligan City kamakalawa.
Isinauli ng mga rebelde ang isang M4 carbine rifle, sub-machine gun, caliber .22 at isang caliber .45 handgun.
Sasailalim ang mga nagbalik-loob na rebelde sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP upang makakuha ng pangkabuhaya at pinansiyal na suporta ang mga ito sa pamahalaan.
Dating nag-o-operate ang mga sumukong NPA sa probinsiya ng Bukidnon, Misamis Oriental at Iligan City.
-Mike U. Crismundo