BONGGA ang mensaheng natanggap ng manager ng phenomenal star na si Maine Mendoza mula sa Mac Cosmetics.
Si Ateng Rams David ang nakatanggap ng magandang balita mula sa global cosmetics brand, na matatandaang naglabas ng lipstick na personal na konsepto ni Maine. Pumunta pa si Maine sa Toronto, Canada last year para timplahin ang kulay ng nasabing lipstick for Mac.
Si Maine ang first Filipina na nagkaroon ng collaboration sa isang global cosmetics brand.
Matatandaan na nang i-release na ang lipstick ni Maine, in five minutes lang ay declared na ng Mac na sold-out na ito, at iyong mga naubusan ay napilitang maghintay ng susunod na delivery.
Dumating din sa point na limited number na lang ng lipstick ang puwedeng bilhin ng isang costumer.
Mensahe ng Mac kay Ateng Rams: “We would like to say congratulations on the very successful Mac Maker MAINEDCM. We are very happy and overwhelmed with all the support the partnership received. It is definitely a proud Filipino moment!
“Bigger things to come for #MaineForMAC! We can’t contain our excitement! Sincerely, M.A.C. Philippines Team.”
Pinasalamatan naman ni Ateng Rams sina @gaylaochen @_nicoleeey @maja.pangilinan: “Congratulations @mainedcm for the success of your first #mainformac venture. We are all excited for the good news! #soon #teamtriplea @michaeluycoco @jckrjrz.”
May balita rin kami na may susunod na gagawing collaboration si Maine with Mac very soon, at sa ibang lugar naman daw gagawin iyon. Tiyak na todo-suporta muli ang mga fans ni Maine at ang AlDub Nation kapag lumabas na ang bagong collab ni Maine with said global cosmetics brand.
-NORA V. CALDERON