Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang “It’s Showtime host” at Unkabogable Star na si Vice Ganda na tatakbo bilang Pangulo si dating Vice President at kasalukuyang Naga City Mayor Leni Robredo.
Sa kabila nito ng nauna nang naging tila pinal na desisyon ni Robredo noong Abril 21, 2026, na siguradong wala na siyang balak pang kumandidato sa anomang posisyon sa 2028 national elections.
“Sigurado na ako sa sarili ko na hindi ako magna-national,” anang alkalde.
Aniya pa, mas posible umanong kumandidato ulit siyang mayor ng Naga para sa kaniyang ikalawang termino.
KAUGNAY NA BALITA: Final na! Leni Robredo, ‘di tatakbo sa national position sa 2028
Ayon naman sa naging pahayag ni Vice Ganda noong Lunes, Abril 27, sinabi niyang umaasa pa rin daw siya para sa pamumuno ni Robredo dahil marami naman daw ang nababago ang desisyon dahil sa kagustuhan nilang magsilbi.
“I’m still rooting for Leni,” pagsisimula niya.
Dagdag pa niya, “Well let’s see. Marami namang nagsasabing kung sila silang, hindi na sila tatakbo. Pero dahil sa clamor at kagustuhan nilang makapagsilbi.”
Ani Vice Ganda, alam daw ng marami na hindi para sa sarili lang ang pagiging Pangulo.
“Kasi ang desisyon ng pagtakbo, ng pagiging Pangulo, hindi naman ‘yan desisyon para sa sarili mo, e,” aniya.
“Kaya maraming tao na naiiba ‘yong desisyon nila kasi nare-realize din nila na this is not just about me,” pagtatapos pa niya.
Samantala, habang sinusulat ito, wala pa naman inilalabas na tugon o reaksyon si Robredo kaugnay sa nasaan ni Vice Ganda.
KAUGNAY NA BALITA: ‘Anong plano n’yo sa kanila?’ Vice Ganda, kinatigan mga nawalan ng trabaho sa oil crisis