EKSENANG katulad sa pelikulang Serendipity (2001) nina Kate Beckinsale at John Cusack ang eksenang kinunan nina Enrique Gil at Liza Soberano sa Central Park, Manhattan New York City nitong Enero 23, base na rin sa post ng manager ng aktres na si Ogie Diaz.

Enrique at Liza

Ito siguro ang dahilan kung bakit lumipad pa-New York USA ang grupo para kunan ang famous ice skating sa Cental Park na talagang dinarayo ng publiko at makailang beses na ring ginamit sa mga Hollywood movies tulad ng Mr. Popper’s Penguins, Home Alone 2l Love Story (1970) at iba pa.

Kung tama kami ay pelikulang Alone Together ng LizQuen ang unang Filipino movie na nag-shoot sa Central Park Ice Skating rink.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Base sa mga larawang kuha ni Ogie ay kitang-kita na nangangatog sa ginaw ang LizQuen dahil patung-patong ang suot nilang heattech socks at makakapal na jacket.

Maging ang production team sa pangunguna nina Direk Antoinette Jadaone at Dan Villegas ay ginaw na ginaw din.

Anyway, sa Pebrero 13 na mapapanood ang Alone Together mula sa direksyon ni Antoinette Jadaone na produced ng Star Cinema at Project 8 corner San Joaquin Project.

-Reggee Bonoan