SOBRANG nakaka-relate si Louise delos Reyes sa Valentine’s Day movie offering ng Viva na Hanggang Kailan?. Sa bittersweet story, she went with her boyfriend (Xian Lim) on an scheduled trip sa Japan para i-celebrate ang kanilang second anniversary. Sadly, ibang bagay ang kanyang natuklasan.

Louise delos Reyes copy

Sa tunay na buhay ay almost similar situation ang naranasan ni Louise, at mayroon siyang mahalagang natutuhan tungkol sa pakikipagrelasyon.

“Akala ko noong una ay worth it to go on with the relationship at umaasa kang may maganda itong patutunguhan,” kuwento ni Louise.

Tsika at Intriga

Gabbi Garcia, sumagot sa pang-uurot tungkol sa suot niyang singsing

“At saka mo lang na-realize na hindi na pala ikaw ang kanyang priority, kaya end it right away bago ka maawa sa iyong sarili, or become self destructive.”

In the past ay naiugnay romantically si Louise kina Enzo Pineda at Champ Lui Pio ng Hale.

Hanggang Kailan? asks kung hanggang kailan dapat magsakripisyo sa ngalan ng pag-ibig. Sasagutin ito ng mga karakter na ginagampanan nina Louise at Xian.

Showing na sa Pebrero 6, sa direksiyon ni Bona Fajardo, big attraction ng pelikula ang Saga Balloon Festival sa Japan, where they partially shot the film.

-REMY UMEREZ