Ikasiyam na sunod na panalo ng GS Warriors, pinangunahan ni Stephen Curry

WASHINGTON (AP) — Tulong ang winning run ng Golden State Warriors.

curry copy

Sa pangunguna ni Stephen Curry na kumana ng 38 puntos, habang tumipa si Kevin Durant ng 21 puntos, isinalya ng Golden State Warriors ang Washington Wizards, 126-118, nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) para sa ikasiyam na sunod na panalo.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Naitala ng two-time defending NBA champions ang 70 puntos sa paint, sa pangunguna ni Curry sa ‘drive-the-paint strategy’ bukod sa naisalpak na walong three-point shot.

Nag-ambag si Center DeMarcus Cousins ng 17 puntos sa ikatlong laro bilang Warrior at mula sa mahabang pahimnga bunsod ng injury sa achillles.

Nanguna si Trevor Ariza sa Wizards sa naiskor na season-high 27 puntos, habang tumipa si Bradley Beal ng 22 puntos.

Mula sa 12 puntos na bentahe sa unang tatlong period, nakabawi ang Wizards sa 11-2 run para mailagay ang laban sa mas dikit na sitwasyon. Nagpakatatag naman sina Curry, Durant at Draymond Green para mailayo ang Warriors at masiguro ang panalo.