NAGPAHAYAG na ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, na after ng launch nilang mag-ina ng panganay niyang si Letizia o Zia, ng sariling TVC para sa Nido 3+ ay magpapahinga muna siya sa showbiz work niya. Aasikasuhin daw muna niya ang kanyang family at ang kanyang flower business na Flora Vida, lalo pa ngayon na nalalapit na ang Valentine’s Day.

Marian Rivera copy

Cute ang doll na ipinost ni Marian sa Instagram, at pinangalanan niya itong “Maria”.

“No matter how young or old you are, Dolls provide us with warmth and the feeling of sureness and comfort. Meet Maria... her name means a beautiful, confident woman who dreams big, loves hard and face her fears head on,” caption ni Marian.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Visit www.floravidabymarian.com to place your order. #FloraVidabyMarianxSpinkieBaby #ValentinesOffer @floravidabymarian.”

Samantala, patuloy pa ring napapanood ang OFW documentary ni Marian na Tadhana, every Saturday afternoon sa GMA 7, after ng Asawa Ko Karibal Ko dahil nakapag-ipon na sila ng episodes na ipalalabas habang naka-maternity leave siya

-NORA V. CALDERON