NATAWA na lang si Jessy Mendiola sa tanong ng mga reporter sa presscon ng comedy movie ng Reality Entertainment na ‘TOL kung totoong engaged na sila ni Luis Manzano. Dahil ‘yun sa napanood sa vlog ni Jessy na may pinag-usapan sila ng boyfriend tungkol sa kasal.

jessy copy

“Wala pa nga akong engagement ring, paano kami ikakasal?,” balik-tanong ni Jessy.

“Hindi totoong ikakasal kami sa March. Mag-iipon muna kami at career muna ang uunahin ko, dahil sa mga project na dumadating sa akin. Masaya ako sa nangyayari sa career ko ngayon,” dagdag pa ni Jessy.

Tsika at Intriga

Darryl Yap, may buwelta sa mga nagsasabing sinayang si ex-VP Leni

Sa January 30 ang showing ng ‘TOL sa direksiyon ni Miko Livelo, at produced nina Dondon Monteverde at Erik Matti.

Kasama rin sa cast sina Joross Gamboa, Arjo Atayde, at Ketchup Eusebio.

Nakagawa na ng comedy movie si Jessy, kaya hindi na siya nagulat sa mga eksena na ginawa nila sa ‘TOL. Kaibigan niya ang tatlong aktor at inalalayan siya ng mga ito sa mga eksenang hindi niya masyadong gamay. Plus, nakaalalay din sa aktres si Direk Miko.

Masaya ring ibinalita ni Jessy na ibinalik sa mga sinehan ang 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na The Girl in the Orange Dress bago ang showing ng ‘TOL, at may mga susunod pa siyang project.

-Nitz Miralles