BACK to work na sina Janine Gutierrez at Tom Rodriguez at isang action-drama series ang pagtatambalan nila, ang Dragon Lady. Inamin nilang excited na sila parehas dahil first team up nila ito. Parehong galing sa action-drama series sina Tom at Janine.

Janine at Tom copy

Si Tom ay katambal si Jennylyn Mercado sa The Cure at si Janine naman ay sa Victor Magtanggol with Alden Richards. Parehong nakapag-rest ang dalawa noong Christmas season dahil si Tom, umuwi sa family niya sa Arkansas, USA at kababalik din lamang ng Pilipinas. Si Janine ay nakagawa pa ng isang romantic-comedy movie with Regal Films, ang Elise katambal si Enchong Dee. At sa Los Angeles, California naman siya nagpalipas ng Christmas kasama ang daddy niyang si Ramon Christopher at mga kapatid, plus ang nali-link sa kanyang si Rayver Cruz.

Naging masaya ang story conference ng Dragon Lady, lalo na kay Tom na aminadong excited na talaga sa bagong project. Why?

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

“Iba po ang challenge sa akin ng ‘Dragon Lady’ dahil kailangan kong maging physically and emotionally prepared,” sagot ni Tom. “Kasi kailangan kong mas pagandahin ang katawan ko for the role. Kailangan ko rin mag-aral ng Mandarin dahil first time ko pa lamang gaganap na isang Chinese.”

Hindi pa sinabi nina Tom at Janine kung ano ang mga respective roles nila talaga pero this week daw ay magsisimula na silang mag-taping. Mukha ngang exciting ang new project nina Janine at Tom na hindi pa rin alam kung mapapanood sa afternoon prime or sa primetime telebabad ng GMA7.

Dalawa sa makakasama nina Tom at Janine sina Edgar Allan Guzman at Joyce Pring.

-Nora V. Calderon