Bukas ang Philippine National Police (PNP) sa ideya na kuhanin ang serbisyo ng mga dating tauhan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sakaling pumabor sa gobyerno ang resulta ng plebisito ngayong Lunes para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL), na magbibigay-daan sa proseso ng decommissioning o pagsusuko ng armas.

Gayunman, nilinaw ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde na inaasahan na nilang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ang magha-hire ng mga dating kasapi ng MILF, dahil ang militar ang nangangasiwa sa usapin ng seguridad sa Mindanao.

“Remember the whole part of Mindanao is under martial law so it’s the duty of the AFP even the hiring of qualified MILF members to the AFP, not to the PNP,” sabi ni Albayalde.

“However, we are also open to applicants provided that they qualify or meet the requirements,” dagdag ng PNP Chief.

National

'Unahan ko na kayo!' Jam Magno, kusang sumuko sa CIDG sa Butuan City

Ang pagiging college graduate ay isa sa mga pangunahing kuwalipikasyon ng mga nais magpulis, bukod pa sa height requirements at pagpasa sa lahat ng examinations.

Mahigit 20,000 pulis ang ipakakalat sa mga lugar na pagdarausan ng plebisito ngayong Lunes.

-Aaron Recuenco