IT pays to be loyal talaga, dahil hindi tinanggap ng Procter and Gamble ang resignation letter ni Kris Aquino sa kanila bilang brand partner ng Ariel detergent.

Kris copy

Matatandaang ikinuwento ni Kris ang kanyang pamamaalam sa P&G sa presscon niya kamakailan kasama ang mga abogadong sina Atty. Sigrid Fortun at Atty. Nilo Divina dahil at that time ay hindi pa niya alam kung ano ang resulta ng medical check-up niya sa Singapore.

Enero 7 dinala ang resignation letter ni Kris sa opisina ng P&G, wala kaagad silang sagot dito. Naging loyal si Kris sa P&G sa loob ng 15 years at sabi nga niya, kailangan niyang maging proper to inform kung ano ang health condition niya.

Enrique Gil, tinabangan na nga ba dahil di tumabo sa takilya comeback movie?

Nitong weekend ay ibinalita ng Queen of Online World and Social Media na maganda ang resulta ng series of medical check-up niya, at magagawa pa niya ang lahat ng puwede niyang gawin pagdating sa trabaho.

Marahil ay hinintay lang ng P&G executives ang resulta ng health condition ni Kris, at nang malaman nilang okay ang aktres ay hindi nila tinanggap ang pagbibitiw ng kanilang number one endorser sa loob ng 15 years.

Magandang balita ito sa lahat ng supporters ni Kris, dahil ibig sabihin, marami pa silang mapapanood na TVC niya from said company.

Paano namin nalaman ang sagot? Nitong Huwebes nang gabi ay nag-post si Kris na pinalabhan niya ang sandamakmak na Care Bears stuffed toys na binili niya sa Japan gamit ang Ariel detergent, sa kanyang Samsung washing machine, na isa pang brand partner niya.

Nakakatuwa kasi ipamimigay niya ang mga stuffed toy sa kanyang loyal supporters at mga kaibigan, pero bago raw niya ipamigay ay siniguro niya munang malinis ang mga ito para hindi magkaroon ng allergy ang mga tatanggap nito.

“Welcome to REAL LIFE with the AQUINOs. I asked Jane this afternoon to please wash my fluffy Care Bears to make sure they’d be dust-free (nag-iingat sa allergens). We celebrated Mass, nag-early dinner, then nag-meeting with @jeffvadillo. I was signing checks for @alvingagui, asked @jacksalvador to show me a few of the profiles nu’ng feeling nilang deserving of the Care Bears.

“Super giggling na si @rochelleahorro, @bincailuntayao, and Alvin because si Jack napatili! OMG, winashing machine nila & super inARIEL all the CARE BEARS. May konting “survivors”—at least when you receive your Care Bear, malinis at mabango.

“Sa household namin ang bilis nu’ng hashtag, #ahoncarebears. Sorry ha to those na walang tags na, Jane, Tes, and Ate Ruby had good intentions. #lovelovelove.”

In fairness, ang daming views habang nilalabhan ang mga stuffed toys, na umabot sa 181,788 as of 14 hours, at 839 comments, na may mga humihingi rin ng Care Bears. Natutuwa rin sila sa magandang resulta ng medical check-up ni Kris.

Samantala, tiyak na magugulat ang lahat dahil kahit inihayag dati ni Kris na masama ang kundisyon niya ay marami pa ring kumukuha sa kanya bilang brand partners. Eh ‘di lalo na ngayong okay na siya, at ‘yan ang aabangan ngayong 2019!

-REGGEE BONOAN