NUEVA ECIJA – Pinawi ng pamahalaan ang pangamba ng publiko sa posibleng kakulangan ng supply ng sibuyas sa bansa.
Sa panayam, sinabi ni Nueva Ecija provincial agriculturist Serafin Santos, sapat pa rin ang supply ng sibuyas sa lalawigan sa kabila ng malaking pinsalang idinulot ng nakaraang bagyong ‘Usman’ sa daan-daang ektaryang taniman nito, nitong nakaraang Disyembre.
Tinatayang aabot aniya sa P15 milyong halaga ng sibuyas ang napinsala ng nasabing kalamidad sa probinsiya.
Aniya, pinakamalaking bahagi ng nasalanta ay mula sa anim na lugar na kinabibilangan ng Gabaldon, Talavera, Quezon, Pantabangan, Laur at Palayan City.
Aabot naman sa P1.7 milyon ang nasirang pananim na sibuyas sa
Cuyapo, Bongabon at Palayan City at P4.2 milyon naman sa Bon-
gabon at Talavera.
Kabuuang 665.5 ektaryang taniman ang napinsala ng kalamidad sa lalawigan, ayon kay Santos.
Kaugnay nito, kinukumpleto na rin aniya nila ang listahan ng mga naapektuhang magsasaka na aayudahan nila sa susunod na buwan.
-Light A. Nolasco