PAHULAAN ngayong gabi kung sino kina Stella (Alice Dixson), Rebecca (Iza Calzado) at Oliver (Jameson Blake) ang mamamatay sa pagtatapos ng Ngayon at Kailanman dahil nag-uunahan ang dalawang aktres na patayin ang isa’t isa.

Kinidnap naman ng aktor si Eva (Julia Barretto), na obviously bago siya mahuli ng mga pulis ay lalaban din siya, dahil may bitbit siyang baril. Si Eva posibleng masugatan bago siya mailigtas ni Inno (Joshua Garcia).

Bigay na bigay na raw ang kuwento ng pagtatapos ng NAK kaya aabangan na lang ang matitira sa huli. Pero siyempre, maski predictable ang mga eksena ay maganda pa rin kung panonoorin ang pagtatapos nito hanggang sa huli.

Masyadong napagod ang lahat ng cast sa tapings ng Ngayon at Kailanman dahil sa ilang linggo ay halos araw-araw silang nagte-taping.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Base rin sa nalaman namin ay pahinga muna nang dalawang linggo sina Joshua at Julia at pagkatapos ay sisimulan na ang shooting ng pelikula nilang Project Z na ididirek ni Mikhail Red for Star Cinema.

-Reggee Bonoan