PARE-PAREHO ang comments na nabasa namin sa post ni Jennylyn Mercado ng picture nila ng kanyang biological mom.

Jennylyn at ina copy

Maganda ang ina ng aktres, at ang tingin pa nga ng ibang nagkomento ay may hawig kay Alice Dixson, habang para sa iba ay si Sandy Andolong ang kamukha ng mother ni Jennylyn.

Umuwi nitong Pasko sa Pilipinas ang mom ni Jennylyn, kasama ang kanyang half-sister. Nakita namin ang litrato nito sa birthday treat para sa ama ni Dennis Trillo. Doon na rin nakilala ni Dennis at ng pamilya ng aktor ang biological mom ni Jennylyn.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Hindi nabalita ang pagdating ng mom at half-sister ni Jennylyn, at ang nabalita lang ay nang pabalik na ito sa ibang bansa. Nalaman na lang na paalis na ito dahil nga ang caption sa nasabing Instagram Story ni Jennylyn ay “Safe flight, Mom.”

Sa pagdating ng mom ni Jennylyn, napuri ang aktres dahil maliwanag na napatawad na ng aktres ang kanyang ina. Alam naman natin ang story na iniwan si Jennylyn ng kanyang ina kay Mommy Lydia Mercado, na nagpalaki sa aktres. Mabuti raw ang puso ng aktres para kalimutan ang lahat, kaya naman blessed ito.

Anyway, magiging busy si Jennylyn sa mga susunod na araw, dahil bukod sa rom-com nila ni Gabby Concepcion na Love You Two sa GMA-7, may gagawin siyang pelikula sa Reality Entertainment, ang Keepers.

Busy din si Jennylyn sa training dahil sasali siya sa Hokkaido Marathon, na naka-schedule sa August sa Sapporro, Hokkaido sa Japan. Sasamahan siya ni Dennis sa Sapporro, pero si Jennylyn lang ang sasali sa marathon, at una nang sinabi ng aktor na sasama lang siya para i-cheer ang girlfriend.

-NITZ MIRALLES