KALIBO, Aklan - Good health at pasasalamat ang wish nina Barbie Forteza at Jak Roberto sa pagbisita nila sa Sto. Niño Ati-Atihan Festival sa Kalibo, Aklan.

Jak at Barbie copy

Kabilang sila Jak at Barbie sa nagpasaya sa “Kapuso Night”, kung saan daan-daang Kapuso fans ang nakisaya sa Pastrana Park nitong Miyerkules ng gabi.

Kasama rin ng showbiz couple sa event ang mga co-stars nila sa Kara Mia na sina Mika Dela Cruz at Paul Salas.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Sinabi ni Jak na kabilang sa mga idinadalangin niya ang good health para kay Barbie. Inaasahan kasi nilang magiging intense ang taong na ito, lalo na at papalapit na ang pagpapalabas ng Kara Mia, na sa susunod na buwan na ang pilot.

Bago ang “Kapuso Night”, nag-guest din ang Kapuso stars sa RGMA-Kalibo para i-promote ang Kara Mia.

-JUN AGUIRRE