May 21, 2026

Home BALITA National

Sen. Robin sa impeachment: 'Wag kaming gawin panakip sa pulitika n'yong bulok!'

Sen. Robin sa impeachment: 'Wag kaming gawin panakip sa pulitika n'yong bulok!'
Photo courtesy: Robin Padilla (FB), File Photo

Bumuwelta si Sen. Robin Padilla sa mga nagdidiin sa trabaho ng minorya sa Senado hinggil sa pag-usad ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte. 

Matatandaang inihayag ni Padilla noong Mayo 4, 2026, na tungkulin daw nilang mga miyembro ng minority na i-oppose lahat ng bagay na pinag-uusapan sa Senado kaya huwag daw silang sabihan ng iba na may pinapanigan. 

“Di ba ang papel naman ng minority to oppose? Hindi lang impeachment. Lahat ng bagay dito, ang trabaho namin ay i-oppose. Kapag kami ay nag-oppose, 'wag kaming sabihan na kami ay bias (sic). Trabaho po ng minority yun. Yan po ang parliamentary procedure na dapat naming sundin. Yan po ang sinasabi ng demokrasya,” aniya. 

KAUGNAY NA BALITA: Llamas, nilektyuran si Sen. Robin sa papel ng minority sa lehislatura

Ayon naman sa naging pahayag ni Padilla sa kaniyang Facebook post nitong Lunes, Mayo 11, sinabi niyang nasa House of the Representative ang isyu ng impeachment laban sa Bise Presidente kaya huwag raw ilihis sa minority ng Senado ang usapin. 

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

“Andon sa [K]amara ang isyu!” pagsisimula niya. 

Screenshot mula sa FB post ni Padilla.

Dagdag pa niya, “Wag niyo gawing diversion ang minorya!” 

Ani Padilla, inililigaw daw ng mga hindi niya pinangalanang indibidwal ang publiko dahil wala raw silang kapangyarihan sa Senado. 

“Inililigaw niyo ang tao. Wala kaming kapangyarihan dito sa senado!” diin niya. 

Patutsada pa ng senador, huwag daw silang gawing pantakip sa politikang bulok ng iba pang mga indibidwal.

“Kaya wag kami ang gawin ninyong pantakip sa mga pulitika ninyong bulok!” pagtatapos pa niya. 

Samantala, nakatakda namang ganapin ang plenaryo ng Kamara ngayong Lunes, Mayo 11, para pagbotohan ng lahat ng mga miyembro nito ang impeachment case laban kay VP Sara. 

Sa House plenary, kinakailangang makakuha ng one-third na boto mula sa mga kongresista ang naturang impeachment case laban sa Bise Presidente bago ito tuluyang umakyat sa Senado.

Habang sinusulat ito, hindi pa naman nagsisimula ang naturang pagdinig ng Kamara para isulong ang impeachment laban sa Bise Presidente.  

KAUGNAY NA BALITA: 'Kapag ibinigay ko si Bato, nagtaksil na ako kay Andres Bonifacio!'—Sen. Robin