HINDI titigil ang Philippine Sports Commission (PSC) sa dayalogo sa mga National Sports Associations (NSAs), higit yaong dumaranasa ng ‘leadership crisis’ upang masiguro na hindi mapapabayaan ang pagsasanay ng mga atleta.

PINAGTIBAY ng memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez at kinatawan ng mga local government unit (LGUs) ang paglarga ng 2019 Batang Pinoy

PINAGTIBAY ng memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez at kinatawan ng mga local government unit (LGUs) ang paglarga ng 2019 Batang Pinoy

Iginiit ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez na bukas din ang ahensiya sa mga sports associations na may mga kinakaharap na suliranin sa ‘liquidation’ upang matulungan silang maibalik sa tama ang kanilang mga programa.

Nauna nang ipinahayag ni Ramirez na ititigil ang pagbibigay ng financial assistance sa mga NSAs na may mag nakabinbin paring utang sa pamahalaan.

After 28 years: Thomasian student, naka-gintong medalya sa World Taekwondo Junior Championship

IKinatuwa ni Ramirez na may mga NSAs na kaagad na tumugon sa panawagan ng PSC.

“After New Year, mas marami ang nag liquidate na NSAs, which is a good sign. Ibig sabihin tumutugon sila sa reminders namin. Na nakita ko naman na mas maganda kasi hindi na kami hahabulin ng COA kapag ganun,” pahayag ng PSC chief.

Bagama’t aminado si Ramirez na may mga NSAs pa rin na hindi pa nakakapag saoli ng kanilang kulang sa PSC kung saan mapipilitan sila na hindi muna bigyan ng suportang pinansyal ang mga may kulang na asosasyon.

Dahil dito, tuloy pa rin ang ‘No liquidation, No FA’, bagama’t nilinaw ni Ramirez na ang asosasyon ang kanilang hindi susuportahan, at mananatili ang ayuda sa mga atleta.

“Hindi naman natin kayang tiisin ang mga atleta. Syempre yung mga atleta tuloy ang suporta natin sa kanila, yung mga NSAs lang nila na hindi pa nakakapag liquidate ang hidi natin susuportahan,” paliwanag ni Ramirez.

Sa ngayon, tuloy pa rin ang pakikipag ugnayan ng ahensiya sa mga stakeholders ng mga NSA’s na may mga suliranin at hinaing na kanila namang isusumite muli sa Philippine Olympic Committee upang gawan ng solusyon.

-Annie Abad