June 07, 2026

Home BALITA Politics

'Mag-Facebook live ka na lang!' Sen. Ping may patutsada kay Sen. Alan!

'Mag-Facebook live ka na lang!' Sen. Ping may patutsada kay Sen. Alan!
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Pinatutsadahan ni Sen. Ping Lacson si Sen. Alan Peter Cayetano hinggil sa nananatiling tunggalian sa Senado sa pagka-Senate President.

Sa kaniyang magkasunod na X post nitong Linggo, Hunyo 7, 2026, binanggit ni Lacson ang mga institusyong hindi na raw kumikilala kay Cayetano bilang Pangulo ng Senado.

“The Executive Department, House of Representatives, Integrated Bar of the Philippines, law deans , law professors, former Senate Presidents and many others do not recognize Senate Alan Cayetano as the President Senate. So, what is he?” ani Lacson. 

Sa kasunod na X post, muli niyang binanatan si Cayetano at iginiit na mag-Facebook live na lamang daw ang senador. 

“When you’re strong on the law, pound the law. When you’re strong on the facts, pound the facts. When you’re weak on both… Mag-Facebook live ka na lang!” saad pa ni Lacson.

Politics

'Saligang Batas' dahilan ni Sen. Chiz, sa pagsama sa Gatchalian faction

Matatandaaang tuluyang nahati ang paksyon ng mga senador sa Senado matapos magdaos ng sesyon ang minority bloc nang dumating si Sen. Chiz Escudero mula sa majority bloc—matapos ang ilang araw na hindi nila pagsipot sa sesyon.

Bunsod nito, agad na binakante ng Senado ang posisyon ng Senate President Pro Tempore kung saan naihalal si Sen. Win Gatchalian sa naturang posisyon at kalaunan ay idineklara bilang acting Senate President. 

Si Sen. Alan Peter Cayetano ang Pangulo ng Senado habang si Sen. Loren Legarda naman ang kaniyang Senate President Pro Tempore, bago ang sesyon nitong Miyerkules ng hapon.

KAUGNAY NA BALITA: : Tawid-bakod na? Sen. Chiz, binulaga plenary session!