June 07, 2026

Home BALITA National

Tamang ‘holiday pay,’ ipinaalala ng DOLE sa Hunyo 12

Tamang ‘holiday pay,’ ipinaalala ng DOLE sa Hunyo 12
Photo courtesy: DOLE (FB), Unsplash

Ipinaalala ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa employers ang tamang pagbibigay ng sahod sa kanilang mga empleyado sa darating na Araw ng Kalayaan sa Biyernes, Hunyo 12. 

Batay sa ibinabang abiso ng DOLE nitong Linggo, Hunyo 7, ang mga empleyadong papasok sa Biyernes ay dapat makatanggap ng 200% ng kanilang arawang sahod sa unang walong oras ng kanilang pagtatrabaho. 

Ang mga empleyado namang magtatrabaho ng higit sa walong oras, gayundin sa mga empleyadong tumama ang kanilang rest day sa araw na ito, ay dapat makatanggap ng karagdagang 30% sa kanilang hourly rate. 

Bukod sa mga probisyong ito, hinikayat ni DOLE Sec. Francis N. Tolentino ang mga manggagawa na huwag mag-atubiling magtungo sa pinakamalapit na DOLE Regional Office o mga kaugnay na ahensya, para sa kanilang mga katanungan hinggil sa holiday pay o labor standards. 

Maari ring i-contact ng mga manggagawa ang DOLE Hotline 1349 o DOLE Facebook page para sa karagdagang labor and employment concerns. 

National

Sen. Win kay Sen Loren: 'We respect her opinion, pero matibay rin opinyon ng IBP!'