June 07, 2026

Home FEATURES Human-Interest

Ang ‘4H Learning Continuity’ ng DepEd para sa mga paaralan sa kasagsagan ng sakuna

Ang ‘4H Learning Continuity’ ng DepEd para sa mga paaralan sa kasagsagan ng sakuna
Photo courtesy: DepEd (FB)

Matapos ang naging paspasang paghahanda ng mga guro, mag-aaral, at magulang sa Brigada Eskwela nitong unang linggo ng Hunyo, bubuksan na ng mga paaralan ang kanilang mga klase sa darating na Lunes, Hunyo 8, para sa panibagong school year.

Ngunit dahil kasabay nito ang pagpasok ng Habagat na nagdudulot ng malalakas na pagbuhos ng ulan at pagbabaha sa iba’t ibang parte ng bansa, nagbaba ang Department of Education (DepEd) ng 4H framework” upang matiyak ang patuloy na pagkatuto ng mga mag-aaral sa kabila ng mga sakuna habang tinitiyak ang kanilang kaligtasan, gayundin ang kalagayan ng mga guro at iba pang school personnel. 

MAKI-BALITA: Habagat season, opisyal nang inanunsyo ng PAGASA!

KAUGNAY NA BALITA: Tag-ulan na! PAGASA, kinumpirma pagsisimula ng rainy season sa bansa

Ang mga sumusunod ang bumubuo sa 4H ng Learning Continuity sa mga pag-aaral: 

Human-Interest

#BalitaExclusives: Buhay pa nga ba ang diwa ng Brigada Eskwela?

HAYO 

Sa ilalim ng “Hayo,” ang mga regular in-person learning ay magpapatuloy kapag ligtas ang learners, teachers, at school personnel. 

Dito ay isasagawa ang full curriculum delivery at regular learning activities. 

HINAY

Sa “Hinay,” mabagal at mas flexible ang pagpapatuloy ng pagkatuto upang maisaalang-alang ang stress na posibleng dinaranas ng mga mag-aaral at guro. 

Sa ilalim din ng “Hinay,” maaaring bawasan ang subjects at paikliin ang activities kada araw. 

HINGA 

Sa ilalim ng “Hinga,” uunahin ang well-being check at isasagawa ang pagbabawas ng academic demands. 

Gagagamitin din dito ang check-in guides, family kits, at low-stakes learning activities. 

HINTO 

Sa ilalim ng “Hinto,” pansamantalang ititgil ang academic learning upang unahin ang proteksyon, emergency response, mental health at psychosocial support (MHPSS), at basic needs. 

Sa hiwalay na pahayag ng DepEd, ibinaba nila ang direktibang nag-aatas sa kanilang regional offices at school division offices na magbigay ng mental health support at emergency assistance sa mga paaralang nasa high-risk at under-resourced na mga lugar.