ILANG araw nang nagpa-practice tumakbo ang Ultimate Actress ng Kapuso Network na si Jennylyn Mercado sa UP Diliman campus. Ipino-post niya ito sa kanyang Instagram account kaya naman inaabangan talaga siya ng fans sa tuwing tatakbo siya sa campus.

Jennylyn at Dennis

Hashtag ni Jennylyn sa kanyang post #roadtoHokkaidomarathon in Japan.

Yes, may pagka-athetic si Jennylyn kaya naman susubukan niyang sumali sa Marathon sa Japan, pero hindi pa niya sinabi kung kailan ito magaganap. Hindi lamang pagtakbo ang pina-practice niya, dahil nagpa-practice din siya ng pagpa-pilates sa gym.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Sasamahan daw ni Dennis ang girlfriend kapag lumaban na ito sa marathon, pero hindi raw siya tatakbo, magiging rah-rah-boy daw lamang siya ni Jennylyn.

“By that time po siguro, tapos na ang taping namin ng ‘Cain at Abel’,” sabi ni Dennis. “At baka tapos ko na rin ang shooting ng ‘On The Job’ kaya no problem kung samahan ko si Jen.”

Si Jennylynn naman ay naka-schedule nang mag-taping ng romantic-comedy series nila ni Gabby Concepcion na I Love You Two, hindi pa lamang complete ang casting ng serye pero isa ito sa coming projects ng GMA Network sa primetime block.

-Nora V. Calderon