KUNG walang aberyang mangyayari ay sa Pebrero 15 na ang lipad nina Xian Lim at Cristine Reyes patungo sa Georgia (Tblisi) para sa pelikulang isu-shoot ni Direk Sigrid Andrea Bernardo for Viva Films.

Xian at Christine

“Yes sila na (cast), final answer,” sabi ni Direk Sigrid sa amin.

Matatandaang isinulat na namin dito sa BALITA ang tungkol sa project na ito ni Direk Sigrid na siya mismo ang sumulat, at tinanong namin kung bakit sa napakalayong bansa pa na ‘yun niya gustong mag-shoot.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Georgia was suggested by my cinematographer, naghahanap kasi ako ng bansa na rich ang culture and history and ‘yung konti nga ang Pinoy. Hindi ko alam na may bansang Georgia when I researched about it. Nagandahan ako and bagay sa sinusulat (na istorya) ko,” sagot noon ni Direk Sigrid.

Sa katunayan, isang linggong nag-ocular si Direk Sigrid sa Georgia para pag-aralan ang kultura roon, kung saan 30 Pinoy lang ang nakatira.

Going back to Xian at Cristine, hindi sila ang first choice sa pelikula, dahil intended ito para kay Claudine Barretto.

“Viva recommended them to me and I met with both Xian and Cristine. Nabilib ako sa commitment ng dalawa kasi willing mag-workshop nang todo para sa role nila. At willing din silang gawin ang love scenes kasi nagandahan sila sa kuwento,” paliwanag ni Direk Sigrid.

“The role was meant for Claudine talaga, they knew about it naman.”At kung natuloy si Claudine ay si Aga Muhlach sana ang napipisil ng direktora na maging leading man ng aktres.

Nanghinayang kami kasi maganda ang chemistry nina Aga at Claudine, dahil ang pelikulang pinagsamahan nila, ang Kailangan Kita noong 2002, na idinirek ni Rory Quintos ay isa sa biggest hits noon ng Star Cinema.

Napanood daw ni Direk Sigrid ang nasabing pelikula kaya niya na-consider si Aga.

“I hope one day. Makatrabaho ko silang dalawa,” sabi ni Direk Sigrid, sabay sabi: “Fan din po ako ng Aga and Bea (Alonzo).”

Tinanong namin kung ano ang gist ng pelikulang isu-shoot nila sa Georgia, at sinabing suspense-drama ang movie.

Inalam din namin kung hanggang saan ang ipapakita nina Xian at Cristine sa love scenes, at “dapat abangan” lang ang isinagot niya sa amin.

Hmm, mas matindi kaya ito sa Sin Island nina Xian at Nathalie Hart?

-Reggee Bonoan