LABINDALAWANG taon na ang nakaraan nang lumipat sa ABS-CBN ang dating Kapuso star na si Angel Locsin. Unang programa ni Angel sa GMA-7 ang youth-oriented series na Click hanggang sa hubugin siya ng Kapuso network ay the next big star, at ipagkatiwala sa kanya ang mga pangunahing serye ng network, tulad ng Mulawin (2004) at Darna (2005).
Kaya naman naging malaking balita ang network transfer ni Angel noong August 10, 2007, from Kapuso to Kapamilya.
Kaya sa paglipas ng maraming taon, at sa isyung network transfer, paminsan-minsa’y naitatanong kay Angel kung magbabago muli ang kanyang isip at babalik siya sa GMA-7.
Subalit sa bago niyang pahayag last Thursday sa mediacon ng The General’s Daughter, sinabi ng aktres na bilang one of the prime talents of ABS-CBN, she will never entertain the thought of transferring networks.
“Kasi they’re very loyal sa akin, eh. Hindi ko naramdaman na hindi genuine ‘yung concern nila sa akin. Kapag nararamdaman mo kasing may loyalty rin sa ‘yo yung tao, binabalik mo ‘yung loyalty, eh.
“So ganun lang din sa akin, and hangga’t kailangan ako, andito pa naman ako,” sabi ni Angel.
Hindi naman kaila na siya’y kabilang sa mga important Kapamilya artist, at sa loob ng 11 years, ipinagkaloob kay Angel ang mga lead roles sa apat na malalaking ABS-CBN teleserye: Lobo (2008), Only You (2009), Imortal (2010), at The Legal Wife (2014).
Nagkaroon din siya ng five-month appearance sa prime-time series na La Luna Sangre (2017), starring Kathryn Bernardo and Daniel Padilla.
Naging bahagi rin si Angel ng defunct sitcom na Todamax, at naging judge sa fifth at sixth seasons ng Pilipinas Got Talent.
Ngayon, and on her 12th year with ABS-CBN, Angel returns to primetime as the lead actress of The General’s Daughter.
Sa naganap na general presscon, inalala ni Angel kung sinong aktres ang kanyang big influence sa pag-arte.
“Ang hindi ko makakalimutan si Amy Austria sa Mulawin. Noon, nagbo-voice over kami, tapos umiiyak siya. Sabi ko, ‘Nay, bakit ka umiiyak, eh, V.O. [voiceover] lang naman ito?’
“Sabi niya, ‘Anak, kasi alam ng tao kung dinadaya mo sila. Alam ng tao kung binabasa mo lang ang script at ineechos mo lang sila. Kailangan maramdaman nila ang emosyon mo because that is your responsibility’.
“Dun ako nagkaroon ng interes, ganun niya kamahal ang trabaho niya,” sabi ni Angel.
Naging dahilan daw ito para siya’y maging inspirado at pagbutihin lalo ang kanyang acting. Naging daan din to change her mentality when it comes to work.
Akala ni Angel, noong siya’y nag-uumpisa pa lamang sa trabaho ay pera-pera lang ang pagiging isang artista.
“Nung pumasok ako, hindi ko talaga naiintindihan ‘yung passion sa pag-aartista. Ako, gusto ko lang makaipon,” pag-amin ni Angel, hanggang sa nakatrabaho na nga niya si Amy.
“Nakita ko habang ino-observe ko siya, mayroon siyang kodigo everyday. May sarili siyang breakdown. Sinusulat niya kung saan nanggaling ang emosyon niya, saan pupunta. Kaya ‘pag tinawag siya sa set, alam niya kung ano ‘yung pinanggalingan niya, alam niya kung ano ang pupuntahan niya. Alam na rin niya ang linya niya. Alam na niya kung anong mangyayari sa eksena.
“Siya ‘yung unang nag-inspire sa akin na pag-aralan itong trabaho na mahal na mahal ko. (Kaya) nung nag-transfer ako sa ABS-CBN, ginagawa ko rin siya.
“(Pero) Ngayon, hindi na uso, kasi may mga revisions. Dito sa The General’s Daughter, mayroon akong kodigo. Pero sa iba, dahil on the set, nire-revise ang script, hindi ko na ginagawa. May ibang technique na ako.
“Dun nagsimu l a ‘yung passion ko,” pagtatapat ni Angel. Mapapanood na ang pilot episode ng The General’s Daughter on January 21 sa Kapamilya network’s primetime block, kasama sina Paulo Avelino, Arjo Atayde, at JC De Vera as her leading men.
-ADOR V. SALUTA