TAMPOK ang lima sa pinakamatitikas na breeder sa bansa -- Charlie "Atong" Ang, Engr. Sonny Lagon, Mr. Gerry Ramos, Gov. Eddiebong Plaza at Mr. RJ Mea -- ang mangunguna sa ilalargang 2019 World Pitmasters Cup 9-Cock International Derby first edition para sa taong kasalukuyan.

INILUNSAD nitong Lunes sa Newport Performing Arts ang unang edisyon ng 2019 World Pitmasters Cup 9-Cock International Derby.

INILUNSAD nitong Lunes sa Newport Performing Arts ang unang edisyon ng 2019 World Pitmasters Cup 9-Cock International Derby.

Gaganapin ang pinakahihintay na torneo sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila mula Enero 17 hanggang 26 kung saan nakataya ang P15 milyon at tropeo para sa mananalo.

Itinakda ang pot money sa P88,000.00 at hindi bababa sa P55,000.00 ang puwedeng itaya para sa mga piling "fighting cocks".

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Gaganapin sa Enero 17 at 18 ang "2-Cock Elims" kasunod ng isang araw na pahinga. Gaganapin naman sa Enero 20 ang "USA vs. Philippines 25-Cock Main & 6-Cock Big Event". Ipapatalastas din sa naturang event ang nalalapit na laban nina eight-division world champion Manny Pacquiao at American challenger Andrien Broner.

Ang "3-Cock Semis (Set A & B )" ay magaganap sa Enero 21 at 22 kasunod muli ng isang araw na pahinga. Darating naman ang "4 Cock Pre-Finals (3 & 3.5 points) sa Enero 24. Pagpapahingahin ang mga panabong ng Enero 25. Ang engrandeng "4-Cock Grand Finals (4, 4.5 & 5 points) ay gaganapin sa Enero 26.

Itinataguyod ang torneo nina Charlie "Atong" Ang, Engr. Sonny Lagon, Mr. Gerry Ramos, Gov. Eddiebong Plaza at Mr. RJ Mea, sa p[akikipagtulungan niMr. Eric Dela Rosa, Thunderbird, VNJ, Thor, Experto at BMEG katuwang ang Resorts World Manila.