ISYU sa paghahanda sa 30th Southeast Asian Games at ang kaganapan sa swimming community ang tampok na paksa sa unang edisyon ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) ‘Usapang Sports’ para sa taong 2019 ngayon sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

eric-buhain

Inaasahang magbibigay nang update sa programa ng bansa para sa ikaapat na pagkakataon na maging host ng biennial meet sina 2019 SEAG chef de mission Monsour del Rosario, at SEAG organizing committee executive director Tom Carrasco. Host ang bansa ng SEAG sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Nakatakda namang magbigay ng kanilang saloobin at pananaw sa mga kaganapan sa swimming community sina 1991 SEAG six-gold medal winner at Olympian Eric Buhain at Ral Rosario.

Wrestler-actor Dwayne Johnson, may pasabog sa fans; balik wrestling ring?

Nakatakda ang programa ganap na 10:00 ng umaga.

Sina Del Rosario, Buhain at Rosario – pawang outstanding athletes sa kanilang kapanahunan – aypawang modelo na ginagamit na sukatan ng mga batang atleta.

Tinaguriang "Mr. Taekwondo" si Del Rosario, humakot ng medalya sa SEA Games, Asian Games at World Championships bilang miyembro ng Philippine Team (1982-89).

Nakatatak sa kasaysayan ng bansa si Buhain sa pamosong "Miracle of '91" kung saan humakot siya ng record na anim na gintong medalya para sandigan ang Team Philippines sa matagumpay na 91 gintong medalyang napagwagihan.

Dalawang ulit ding siyang naging bahagi ng Olympic Team at noong 2001 at itinalaga ng Pangulong Macapagal-Arroyo bilang Chairman ng Philippine Sports Commission (PSC) at sa Games and Amusement oiard (GAB) noong 2005.

Bahagi naman si Rosario sa PSC Hall of Fame awardees (2016). Nagwagi siya ng gintong medalya sa 1978 Bangkok Asian Games at kinatawan ang bansa sa Munich (1972) at Montreal (1976) Olympics.

Bukas ang programa para sa lahat at hinihiling ni TOPS president Ed Andaya ng People's Tonight ang mga opisyal at miyembro na makiisa sa talakayan.