Bangkay na nang matagpuan ang 65-anyos na lalaki at 19-anyos na babae sa loob ng isang motel sa Manalili Street, Cebu City, nitong Lunes ng gabi.

Sa imbestigasyon ng Cebu City Police Office (CCPO), ang lalaki ay taga-Talisay City; at ang babae ay taga-Barangay Suba, Cebu City.

Ayon kay Senior Insp. Jomar Pomarejos, hepe ng Waterfront Police Community Precinct (WPCP), lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na walang foul play sa insidente.

Aniya, posibleng pinatulog ng lalaki ang babae bago binaril sa ulo at pagkatapos ay nagbaril din sa sentido.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Sa ulat, nagtaka ang mga empleyado ng motel nang hindi lumabas sa kuwarto ang dalawa dahil tapos na ang oras ng kanilang pananatili.

Dahil dito, napilitan ang mga empleyado ng motel na pasukin ang kuwarto ng dalawa at tumambad ang mga duguang bangkay.

Hawak ng 65-anyos na lalaki ang baril, na pinaniniwalaang ginamit sa krimen.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

-Fer Taboy