PUSO ang mananaig sa bawat bagong shows na ibibigay ng GMA Network sa kanilang masusugid na tagasubaybay ngayong 2019.

Therese at Kyline

Pambungad sa bagong taon ang Inagaw na Bituin, na kuwento ng magkapatid, na gagampanan nina Sunshine Dizon at Angelika dela Cruz.

Sino sa dalawang bida na sina Therese Malvar at Kyline Alcantara ang magiging mga anak nila? Ngayon pa lang ay may kampi na kay Kyline, at meron namang kampi na kay Therese, at pinag-aaway na sila sa social media. Sinasagot naman ng dalawa na roles lang nila ang magkaribal at enjoy sila sa pagte-taping ng serye, na mapapanood na simula sa January 21.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Tatlong primetime shows naman ang mapapanood sa February, ang Sahaya, na pagbibidahan ng love team nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix; ang rom-com nina Kylie Padilla at Ruru Madrid na TODA, One I Love; at ang telefantasya na Kara Mia, na pagsasamahan nina Barbie Forteza as Kara, at Mika dela Cruz as Mia. Katambal nila sina Jak Roberto at Paul Salas.

Ang isang pinakaaabangan ay ang Pinoy adaptation ng Koreanovela na Descendants of the Sun, na last year pa hinihintay ng mga sumubaybay sa airing ng original Koreanovela. Natanong namin ang taga- GMA kung may cast na silang nabuo, pero matagal-tagal daw ang preparation nito, kasama na ang gagamiting location, pero definitely raw ay ngayong 2019 na ito mapapanood, dahil naayos na ang usapan nila ng KBS TV 2.

Ang original Koreanovela ay shot in South Korea at Greece, at pinagbidahan nina Song Joong-ki at Song Hye-kyo, na husband and wife na ngayon.

Ang iba pang mga bagong teleserye ay ang Mga Kamay ni Milagros, The Better Woman, Stolen, Hiram Na Anak, at Dragon Lady, na pagbibidahan nina Tom Rodriguez at Janine Gutierrez.

Bukod sa TODA One I Love, mapapanood din ang iba pang rom-com series, ang Till Debt Do Us Part, One of the Bais, at Alex and Amie. Ililipat na rin sa GMA 7 ang The Boobay and Tekla Show at Studio Juan.

Ngayong January na rin magbabalik ang StarStruck 7, at isusunod na ang bagong edition ng The Clash, at dalawa pang musical shows, ang Sing for Hearts at Centerstage Kids.

-NORA V. CALDERON