NAGDIWANG ang AlDub fans nina Alden Richards at Maine Mendoza nang mag-celebrate ng kanyang 27th birthday ang Pambansang Bae last Wednesday, January 2, sa longest-running noontime show na Eat Bulaga sa APT Studios sa Cainta, Rizal.

Alden at Maine

Isang dance number ang ibinigay ni Alden, na tinilian ng SRO audience sa studio. At mas malakas ang tilian at palakpakan nang mag-appear na ang phenomenal star na si Maine bilang si Boomgga Day kasama ang Boom Pawis na si Alden, para sa “Boom” segment ng show.

Special contestants ang PA ni Alden na si Mama Ten or si Kendol sa EB, Dion Ignacio at ang sister ni Alden na si Riza Faulkerson. Nag-appear din ang driver ni Alden na si Aga, ang yaya niyang si Virgie, pinsang si April, stylist niyang si Jojo Zafra at isang kalaro niya sa Mobile Legend.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sayang at hindi nagwagi ng cash prizes sina Dion at Mama Ten, Riza won P40,000 nang masagot niya ang mga songs ng kuya niya sa kanyang record album.

Birthday message ni Maine kay Alden: “Happy birthday, gusto ko lagi kang happy, kasi kapag happy ka, happy din ako.” Niyakap si Maine ni Alden after.

Naupo rin sa panel ng “Juan for All All for Juan” sina Alden at Maine, kasama sina Joey de Leon at Allan K. Then tumuloy sila sa last segment ng show na namimigay pa rin sila ng malalaking premyo sa Pasko. Si Maine ay P30,000 ang gift na ibibigay, habang P50,000 kay Alden.

Kaya lang, hindi pinalad makuha ng contestant ang pinili niyang P50,000 gift ni Alden, inabutan kasi siya ng oras bago niya nabuksan ang lock.

Kinagabihan ay sa Quezon City branch ng kanyang Concha’s Garden Cafe ginanap ang birthday dinner ni Alden.

-Nora V. Calderon