BITBIT ng Davao Cocolife Tigers para sa bagong taon ang impresibong 15-3 karta sa South Division ng Maharlika Pilipinas Basketball Association (MPBL) Datu Cup matapos lapain ang dating nangungunang San Juan Knights,87-75, kamakailan sa Rizal Memorial College sa Davao City.
Nagpasiklab nang husto ang homegrown cager mula Davao na si Emman Calo sa natipang game-high 23 puntos sapat na upang tanghaling ‘best player of the game’ sa elimination round ng Vis -Min edition ng ligang inorganisa ni Sen.Manny Pacquiao.
Mahigpit ang tunggalian ng nangunguna San Juan sa north division at south leader na Davao kung saan ang halftime score ay manipis na 38-34 para sa koponan ni Claudine Bautista ng Davao Occ.LGU at sa paggabay nina Cocolife president Elmio Nobleza,FVP Joseph Ronquollo at AVP Rowenna Asnan.
Kaagapay ni Calo sa pagbaon sa San Juan simula sa pagsisimula ng second half sina slotman Mark Yee, dating PBA star Leo Najorda,Bonbon Custodio, at Billy Robles, gayundin ang ayuda sa depensa nina Bogs Raymundo at go- to- guy na si Larry Rodriguez.
“Not in our house, teritoryo namin ito kaya di kami papayag matalo,” pahayag ni Calo