Kasunod ng magandang taon nitong 2018 para sa ONE Championship, ang pinakamalaking martial arts organization sa mundo, ay handa pa sa mas malaking pagsubok at mga plano sa 2019.
Si Chatri Sityodtong, ONE Championship’s Chairman at CEO ay inanunsiyo sa Facebook ay may planong magsagawa ng 45 events ngayong 2019.
Chatri Sityodtong, ONE Championship’s Chairman and CEO
Ang 24 flagship ng ONE Championship events naanunsiyo na at nakapplano kasama ang mga bansang Japan, South Korea, and Vietnam. Magiging doble rin ang ONE Warriors Series ni Rich Franklin ngayong taon kumpara noong 2018.
Ang ONE ang mangunguna sa 12 na ONE Hero Series events nagyong taon na may mga detalye tungkol sa magiging panibagong format.
Ang ONE Esports ay magkakaroon din ng puwesto. Magkakaroon ng tatlong colossal gaming events kasabay ng martial arts shows.
Maguumpisa ang ONE Championship ngayong taon sa isang laban sa Jakarta, Indonesia para sa ONE: ETERNAL GLORY sa Enero 19 na paglalabanan nina ONE Strawweight World Champion Joshua “The Passion” Pacio at Yosuke Saruta ng Japan.
Anim na araw pagkatapos ng ONE: ETERNAL GLORY ay magbabalik ito dito sa Manila, Philippines upang ganapin ang ONE: HERO’S ASCENT na pangungunahan ng isang rubber match sa pagitan nina ONE Flyweight World Champion Geje “Gravity” Eustaquio at Adriano “Mikinho” Moraes