GUSTO namin ang hindi pagiging paasa ni Atty. Gideon Peña sa shippers nila ni Kris Aquino na patuloy na umaasang mauuwi sa romantic relationship ang friendship nila ni Kris.

In fairness, pareho sina Kris at Atty. Gideon na pauit-ulit sinasabing friendship lang ang meron sila. Pero may mga hopeless romantic na ayaw papigil at umaasang magkakatuluyan ang dalawa.

Ikinuwento ni Atty. Gideon ang convo nila ni Josh, at ang “Thank you Atorni” na pasasalamat sa kanya ng panganay ni Kris.

“Kuya, I should be the one thanking your family. I hope you will always be happy. Now I understand why, despite my earnest prayers when I was a child, I did not have a biological brother; I would be meeting brothers from another mother. Thank you @krisaquino for letting me be the KUYA of your two wonderful sons.”

Tsika at Intriga

Boy Abunda, 'agree' sa reaksyon ng publiko tungkol sa 'concert issue' ni Julie Anne

Dito may nag-comment ng, “God knows u and Kris deserve each other”. Sinagot ito ng abogado: “He knows we deserve each other as FRIENDS.”

May sinagot pa si Atty. Gideon na “forever friends” sila ni Kris.

Natuwa rin kami nang may medyo tarayan ni Atty. Gideon ang netizen na nagtanong ng “Why are you with them?”

Bukod sa suggestion sa netizen to refer to his earlier IG post, may pahabol si Atty. Gideon na ikinatuwa ng mga nakabasa.

“With all due respect, you asked why I am with them but when I answered you to refer to my earlier post which answers your question in detail, you are now saying it is not really for you to know. Sana kasi hindi tayo nagtatanong kung hindi bukas ang kaisipan sa sagot lalo na kung ‘yung tanong pwedeng mabigyan ng ibang kahulugan.”

Ang ganda rin ng sagot ni Atty. Gideon sa nag-comment ng “I’m excited to the love story ending”. Sagot ng abogado: “Narrator: and they ended up as good friends, and lived happily ever after.”

Pinatunayan ni Atty. Gideon ang pagiging friends nila ni Kris nang samahan niya si Kris sa Tokyo dahil hindi nakasama si Kris kina Josh at Bimby sa pagbabalik ng bansa, dahil inatake ng urticaria dahil sa sobrang lamig sa Tokyo.

-Nitz Miralles