UMAPELA sa publiko si Miss Universe 2018 Catriona Gray nitong Bagong Taon upang tulungan ang mamamayan ng Albay sa Bicol at sa iba pang lugar sa bansa na sinalanta ng baha at landslides na bunsod ng bagyong ‘Usman’.

“There have been 57 reported deaths from landslides and floods caused by the recent tropical depression Usman that affected the region Dec. 30,” saad sa unang Instagram Story ni Catriona ngayong 2019, na in-upload nitong Martes.

Si Catriona ang kauna-unahang Bicolana na kinoronahang Miss Universe sa Bangkok, Thailand nitong Disyembre 17. Nasa New York City siya ngayon upang tuparin ang kanyang mga tungkulin sa loob ng isang taon, ay nakatakdang simulan ang kanyang press tour sa Amerika sa Lunes, Enero 7.

Inaasahang magbabalik-Pilipinas ang Filipino-Australian beauty queen sa susunod na buwan para sa kanyang official homecoming parade at unang press conference sa bansa bilang Miss Universe.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Ayon kay Catriona, nangangalap ng donasyon ang “Aksyon Para sa Tiwi” para sa mga naapektuhan ng bagyo, na nangangailangan ngayon ng pagkain, tubig, flashlight at batteries, mga gamot, at hygiene kits.

Ang pledges ay maaaring ibigay sa Door 2 Citispire Bldg., Imelda Roces Avenue, Barangay 38, Gogon, Legazpi City. Contact numbers: 0927-665-4715.

Sinabi pa ni Catriona na tumatanggap din ang Team Albay Youth Organization ng tubig, ready-to-eat food, kumot, tarpaulins, at iba pang relief items.

Tumatanggap din ng mga donasyon ang Philippine Red Cross-Camarines, cash man o in kind.

“You may bring or send donation to the Philippine Red Cross-Camarines Sur Chapter beside ABS-CBN, Panganiban Drive, Naga City,” sabi ni Catriona.

Maging ang kapwa Bicolano, ang sikat na heel maker na si Jojo Bragais, ay nagsabing magse-sale siya sa loob ng pitong araw upang makatulong sa mga naapektuhan ng Usman sa Bicol.

“This is also the reason why I wasn’t able to come home to celebrate New Year with my family. So with this, I am going on sale for seven days. Starting Jan. 2 until Jan. 8, I am selling my pageant heels 6.5 inches for P5,500 provided you get two pairs. That’s like P2,750 per pair instead of the usual P3,800 per pair,” sabi ni Jojo, malapit na kaibigan ni Catriona.

-ROBERT R. REQUINTINA