MUKHANG malamya ang 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) kung ang pagbabasehan ay ang kita ng walong entries simula nang ipalabas ang mga ito noong Disyembre 25.
Noong nakaraang taon, ang top-grosser na Gandarappido: The Revenger Squad ni Vice Ganda ay nagtala ng all-time box-office gross na P540 milyon during its official run (December 25, 2017 to January 7, 2018). Habang ang latest entry ng It’s Showtime host na Fantastica entered P300 milluon only on the fifth day of MMFF showing.
Meaning, sa ikalimang araw na showing ng Fantastica ay naka-P300 milyon lang ito, malayo sa kinita ng Gandarappido, na nakapagtala ng P571 milyon sa Philippine box office and became the highest-grossing Filipino movie of all time.
Bagamat bumaba ang kita ng pelikula ni Vice nitong 2018, laking pasalamat pa rin niya sa P300 milyon na kinita ng Fantastica sa unang limang araw ng pagpapalabas nito.
Nitong December 30, the sixth day of MMFF 2018, Vice Ganda gave an update by posting on his Twitter account:
“300Million THANK YOUS Madlang People kong mahal!!!! Panalo ang masaya!!! #Fantastica,” post ni Vice.
Kasama ni Vice sa nabanggit na pelikula sina Richard Gutierrez at ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes.
Isinisisi ng MMFF ang walang humpay na ulan kung bakit matumal ang pasok ng mga tao sa sinehan. Umpisa pa lang ng December 25 hanggang kahapon, December 31, ay walang tigil ang pagpapaulan ng bagyong ‘Usman’.
Pumapangalawa sa laki ng kita ang Jack Em Popoy: The Puliscrdibles nina Coco Martin, Maine Mendoza, at Bossing Vic Sotto, samantalang kulelat naman ang Otlum sa eight MMFF entries.
-ADOR V. SALUTA