Kung pagbabalik tanaw din lamang ang pag-uusapan sa larangan ng sports, isa sa hindi makakalimutang kaganapan dito ay nang masangkot sa rambulan ang Gilas Pilipinas, kontra sa mga basketbolista ng Australia.

Ito ay matapos na magsagupaan ang dalawang nabanggit na koponan noong kasagsagan ng 2019 International Basketball Federation (FIBA) World Cup Asian Qualifyers na ginanap noong Hulyo sa Philippine Arena sa Bulacan.

Tumatak sa halos lahat ng Pilipino na sumusubaybay sa basketball ang gulong kinasangkutan ng National Team na nagdulot ng maraming puna, opinyon at komento sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Bata, matanda, babae, lalake, simpleng mamamayan, may tungkulin sa gobyerno at kahit na ang mga hindi nanonood ng basketball ay nadismaya sa nangyaring gulo.

Binatikos ng marami ang naging asal ng Gilas Pilipinas kung saan dapat daw sana ay naging mas mahinahon, gayung tayo ang host country nang mga sandaling iyon. Napuna rin ng mga netizens ang hindi magandang ipinakita ng coaching staff nito sa kalagitnaan ng gulo.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Hindi na daw sana sumali ang coaching staff sa kaguluhan bagkus ay inawat pa sana nila ang mga ito upang naiwasan ang magkasakitan sa pagitan ng mga manlalaro ng Australia at Pilipinas.

Ngunit bugso umano ng damdamin ang naging dahilan ng ipinakitang asal ng Gilas sa nasabing kaganapan, na humakot nang negatibong reaksyon sa loob at labas ng bansa.

Dahil dito, ay muntik nang hindi magpadala ng koponan ang Samahang Basketbolista ng Pilipinas (SBP) para sa nakaraang Asian Games, gayung kinailangan nilang baguhin ang line-up sanhi na rin ng pagkakasuspindido ng mga manlalaro nito.

Ngunit sa tulong ng Philippine Basketball Association (PBA) nagawan nang paraan na makapaghp[adala ng koponan para sa nasabing quadrennial meet sa pangnguna ni Cleveland Cavaleir player at Fil-Am na si Jordan Clarkson.

Hindi man nagwagi, aym asasabing isang makulay na stint pa rin ang naging karanasan ni Clarkson sa pagsuto ng uniporme ng Pilipinas para sa nasabing labanan.

Dahil dito, napawi lahat ang masamang karanasan at malagim na kaganapan na ito sa larangan ng basketball para sa bansang Pilipinas.

Bumangon at muling nagsimula ang SBP upang buuin muli ang pira pirasong dignidad na nasira sanhi ng nasabing rambolan.

Sa ngayong ay p[atuloy ang apghahanda ng SBP para sa hosting ng 2023 FIB World Cup, katuwang ang Japan at Indonesia na siyang matagal nang pangarap ni SBP president Manny V. Pangilinan.

“If there’s any legacy that I’d like to leave in the sport of basketball, it’s that the Philippines will, after many years, have the center of attention in the world in the sport of basketball,” ani Pangilinan.

-Annie Abad