BILANG bahagi ng kanilang paghahanda para sa darating na PBA Season 43 sa 2019, magtutungo ng Bahrain ang koponan ng Rain or Shine sa Enero 2 para sa dalawang exhibition games.

Nakatakdang makatunggali ng Elasto Painters ang mga club teams na Al Muharraq at Al Manama, finalists sa Bahraini Premier League sa darating na Enero 3 at 4.

Maglalaro para sa Al Manama si dating PBA import Wayne Chism bilang naturalized player habang lalaro naman para sa Al Muharraq si dating De La Salle Green Archer Bader Malabes.

Sang-ayon kay Rain or Shine coach Caloy Garcia, hindi makakasama sa kanilang pagtungo sa Bahrain sina Gabe Norwood, Jay Washington at Maverick Ahanmisi na pawang nasa Amerika kung saan sila nagdiwang ng Kapaskuhan.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

“As of now we’re working with whoever is with us and I hope that when the three guys come back they’ll be able to quickly pick up the new offensive system,” ani Garcia.

Bukod sa paghahanda sa susunod na season, hangad din ng Rain or Shine na bigyang kasiyahan ang mga overseas Filipino workers na nasa Bahrain.

“Siyempre gusto din naming mabigyan ng kasiyahan ang ating mga kababayan doon,” ayon kay ROS assistant coach Mike Buendia.

-Marivic Awitan