ALAM ba ninyo na bago ikinasal si Iza Calzado sa kanyang longtime boyfriend na si Ben Wintle ay nagpatulong siya kay Dra. Vicki Belo, a personal friend, to make sure na siya ang most beautiful bride ever? Hindi siya binigo ni Dra. Vicki, who applied a non-surgical treatment called Venus Freeze on her body, bukod pa sa laser treatment na Angel White.

Ben & Iza

December 19 nang ikinasal sina Ben at Iza sa Paradise Club Island Resort sa Coron, Palawan.

Pribado ang wedding at mga close friends lang ang dumalo. Pang-apat na silang showbiz couples who tied the knot sa taong ito.

Tsika at Intriga

Habang si Maris namundok: Anthony, pumarty kasama ang Incognito stars

Walang balak si Iza na talikuran ang showbiz, at aprub sa kanyang asawa na ipagpatuloy niya ito. May soap series at movie project na ginagawa ngayon si Iza.

Bumilang din ng ilang taon ang relasyon ni Iza kay Ben, a Fil-British businessman, bago nag-propose ang huli noong October 7, 2017.

Best wishes, Iza and Ben!

-REMY UMEREZ