MAY trade o wala?
Ito ang katanungan na hinahanapan ng kasagutan sa Blackwater matapos mapabalita na tinaasahan ng prangkisa ang alok sa pamosong rookie minimum deal para sa rookie player sa loob ng tatlong taon.
Nauna rito, nag-alok umano ang Blakwater sa No. 2 overall pick ng dalawang taon na kontrata na naisumite na umano sa PBA Office nitong Huwebes bilang pagtalima sa patakaran ng liga kung saan may limang araw ang koponan para magbigay ng alok upang maprotektahan ang karatapan sa naturang player.
Wala pang opisyal na pahayag ang Blackwater gayundin sa naunang napabalita na trade ni Parks sa Meralco gayundin sa Talk ‘N Text.
Kasalukuyang naglalaro si Parks sa Alab Pilipinas sa Asean Basketball League, kung saan isa siya sa pambato ng Philippine team sa 77-71 panalo kontra Singapore Slingers nitong Linggo sa Caloocan Sports Complex.
Hataw si Parks sa iskor na 18 puntos, anim na rebounds, at tatlong steals para mapanatili ng defending champions ang malinis na 3-0 karta.
Sa binagong kontrata ng Blackwater, tatanggap si Parks ng P10.4 million, mula sa maximum league salary na P420K sa ikatlong taon.
Sa naunang alok, dalawang taon lamang ang nais ng Blackwater sa suweldong P200 kada buwan sa unang taon at P250 sa ikalawang taon.
Samantala, inalok na umano ng Blackwater si dating PBA star at two-time NCAA champion Romel Adducul para maging coach sa susunod na season.
“We’re just waiting for him to come back here, I think he’s out of the country or out of town yata,” pahayag ni Dioseldo Sy.
“Hopefully, we can have the formal signing after the holidays. Huwag lang magbago ang isip niya,” aniya.
-Marivic Awitan