New Orleans Pelicans, suko sa Kings
SACRAMENTO (AP) — Hataw si Willie Cauley-Stein sa naiskor na 22 puntos at career-high 17 rebounds, habang kumana si Buddy Hield ng 28 puntos para sandigan ang Sacramento Kings kontra New Orleans Pelicans, 122-117, nitong Linggo (Lunes sa Manila).
Nag-ambag si Bogdan Bogdanovic ng 24 puntos at tumipa si De’Aaron Fox ng 19 puntos at 11 assists, habang may 10 puntos si Iman Shumpert.
Nanguna si Anthony Davis na may 26 puntos at 17 rebounds para sa Pelicans, habang humugot si Jrue Holiday ng 27 puntos, anim na assists at pitong rebounds. Natamo ng New Orleans ang ikaapat ba sunod na kabiguan.
Naghabol sa 105-94 may 7 1/2 minuto ang nalalabi, ratsada ang Kings sa 14 na sunod sa matikas na 19-5 run para makontrol ang laro. Pinagbidahan ni Hield ang pagbabalik ng Kings tampok ang magkasunod na three-pointer at fast-break layup, bago nasundan ni Fox ng free throw para sa 113-110 bentahe may 2:03 sa laro.
NETS 111, SUNS 103
Sa New York, kumubra sina Spencer Dinwiddie ng 24 puntos at tumipa si D’Angelo Russell ng 18 puntos, walong assists at anim na rebounds, sa panalo ng Brooklyn Nets kontra Phoenix Suns.
Natamo ng Suns, galing sa dikitang 149-146 triple-overtime na kabiguan sa Washington nitong Linggo, ang ikalawang sunod na kabiguan matapos magtala ng four-game winning streak.
Kumayod si Rookie Rodions Kurucs mula sa Latvia ng 16 puntos at 10 rebounds para sa Nets.
Ratsada si Rookie Deandre
Ayton sa nakubrang 26 puntos at 18 rebounds para sa Suns, umariba sa 13 of 16 mula sa field, habang kumana si Devin Booker ng 25 puntos at siyam na assists.
HEAT 115, MAGIC 91
Sa Orlando, Florida, nakamit ni Fil-Am coach Eric Spoelstra ang career 500 wins sa panalo ng Miami Heat kontra Magic.
Nanguna si Tyler Johnson na may 25 puntos, habang si Justise Winslow ay may 22 puntos at tumipa si Josh Richardson ng 15 puntos at 10 rebounds para sa Miami.
Naglaro si Dwayne Wade sa ika-24 sa Orlando na posibleng huli nang two-time MVP na nakatakdang magretiro sa susunod na season. Kumana sina ng 10 puntos at apat na assists.
Tangan ni Spoelstra, Miami’s coach mula 2008-09 season, ang career coaching record na 500-336 at tangan ang dalawang NBA titles.
Nanguna si Evan Fournier sa Magic na may 17 puntos para sa Magic.
CELTICS 119, HORNETS 103
Sa Boston, ginapi ng Celtics,sa pangunguna ni Kyrie Irving na may 25 puntos at Jayson Tatum na may 17 puntos, ang Charlotte Hornets.
Nagbalik aksiyon si Al Horford sa Boston mula sa piting larong pahinga dulot na pamamaga ng kaliwang tuhod, sa naiskor na 10 puntos, anim na rebounds, habang kumana si Marcus Morris ng 12 puntos at walong rebounds.
Nanguna si Kemba Walker sa Charlotte na may 21 puntos, habang humirit si Jeremy Lamb ng 14 puntos at humugot si Willy Hernangomez ng 19 puntos at 10 rebounds mula sa bench