MATAPOS ang pamamayagpag sa taong 2018, hangad ng San Miguel Corporation na maduplika hindi man mahigitan ang tagumpay sa bagong season.

KABILANG ang kampeonato ng Magnolia Hotshots sa PBA Governors Cup sa tagumpay ng San Miguel Corporation sa professional sports.  (RIO DELUVIO)

KABILANG ang kampeonato ng Magnolia Hotshots sa PBA Governors Cup sa tagumpay ng San Miguel Corporation sa professional sports.
(RIO DELUVIO)

Sa pagtatapos ng 2018, nadomina ang mga koponang itinataguyod ng San Miguel sa basketball maging sa volleyball.

Winalis ng mga koponan ng SMC na San Miguel Beermen, Barangay Ginebra Gin Kings, at Magnolia Hotshots ang katatapos na PBA season habang nagkampeon naman ang San Miguel- Alab Pilipinas sa ASEAN Basketball League.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Kumopo naman ng dalawang titulo sa volleyball ang Petron Tri-Activ Spikers sa Philippine Superliga, pinakahuli ang katatapos na Open Conference.

Ayon kay Sports Director Alfrancis Chua, ang naturang tagumpay ay bunga ng magandang pamamalakad ng management at maayos na relasyon sa pagitan ni SMC Chairman Ramon S. Ang at ng mga koponang nabanggit.

“[H]ands-on talaga si Boss [Ramon S. Ang] eh. Sa lahat ng bagay. Talagang hands-on siya. Pati sa sports, alam niya ang lahat ng nangyayari. Siguro kung wala siya, iba ang mangyayari. Iba ang utak ng tao na yun. Kaya mahal na namin namin si boss RSA,” pahayag ni Chua.

At nangako ang pamunuan ng SMC na patuloy nilang pagpaplanuhan, paghahandaan at pagsisikapang magpatuloy na umani ng marami pang tagumpay sa larangan ng palakasan sa mga susunod pang taon.

-MARIVIC AWITAN