TULUY-tuloy ang update ni Sarah Lahbati sa followers niya sa Instagram tungkol sa lagay ng mom niyang si Esther Lahbati, na naka-confine sa St. Luke’s Medical Center ngayon, dahil muntik malunod.

Esther, Sarah at mga anak copy

Sa post ni Sarah last Wednesday, patuloy siyang nanghingi ng dasal for her mom na nasa ICU that time, dahil may fever at hirap pang huminga.

Pero, sa post niya nitong Huwebes, maganda na ang update ni Sarah sa estado ng kanyang ina.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Praise God, my mama has just been transferred from the ICU to a normal room. Her oxygen levels have stabilized and she is feeling better and slowly recovering. Her lungs are still being treated carefully.

“I’m so relieved to see her smile and laugh with the kids. Grateful to all of you for the prayers. Let’s continue to pray for her speedy recovery,” post ni Sarah.

Naka-post din ang pagbisita ng kids nina Sarah at Richard Gutierrez sa lola nila sa hospital, at makikita ang saya ni Mrs. Esther sa pagdating ng mga apo, na kanyang niyakap at hinalikan.

-Nitz Miralles