SA loob ng anim na laro, nakamit ng Magnolia Hotshots ang minimithing korona sa season ending PBA Governors Cup na tumapos sa apat na taon nilang title drought.

MAAGANG pamasko sa kanilang mga tsikiting ang tiyak na alay nina Jio Jalalon, Mark Barroca at import Romeo Travis matapos pagsaluhan ang kasiyahan dulot ng tagumpay sa PBA Governors Cup nitong Miyerkules. Ginapi ng Magnolia Hotshots ang Alaska Aces , 4-2, sa best-of-seven title series. (RIO DELUVIO)

MAAGANG pamasko sa kanilang mga tsikiting ang tiyak na alay nina Jio Jalalon, Mark Barroca at import Romeo Travis matapos pagsaluhan ang kasiyahan dulot ng tagumpay sa PBA Governors Cup nitong Miyerkules. Ginapi ng Magnolia Hotshots ang Alaska Aces , 4-2, sa best-of-seven title series. (RIO DELUVIO)

Nakamit din ng kanilang mentor na si coach Chito Victolero ang unang PBA title bilang isang mentor.

“Hindi ko maipaliwanag yung feeling, basta nagtatalon ako sa sobrang tuwa,” ani Victolero, makaraang bigyan ng tradisyunal na victory ride ng kanyang mga manlalaro.

Golden Boy rin! Karl Eldrew Yulo, sumungkit ng gintong medalya sa Thailand

“Iba eh, iba yung feeling as a coach. Nag-champion ako as a player before, sa MBA, sa Mapua,” ayon pa kay Victolero.“But you know iba ang feeling ng coach.”

P a r a k a y V i c t o l e r o , naging malaking kaibahan at nagsilbi ring susi ng kanilang tagumpay ang magandang samahan ng kanyang mga players na higit pa sa magkakapatid ang turingan.

“Para kaming barkada dito. Isa sa pinaka-gusto ko dito sa team na ‘to na nabuo namin, ‘yung core na ‘to. ‘Yung chemistry,” kuwento ni Victolero. “Talagang grabe, halos magkakapatid kami dito. Isa sa pinakamasaya at pinaka-grabeng samahan na nasamahan ko, even noong player pa ako.”

“Isa na ‘to siguro sa best na team na nasamahan ko, in terms of chemistry.”

K a y a n a m a n a y a w niyang solohin ang kredito at ibinahagi ito sa kanyang mga manlalaro at sa lahat ng bumubuo ng koponan na nagsikap na maiangat ang Hotshots mula ss pagiging regular runner-up finishers noong nakaraang season.

“Yung credit, hindi lang sa akin – sa buong team, sa players, sa coaching staff, sa support staff, and sa management.”

“Sobrang saya ko. Kasi lahat ng pinagpaguran namin from last year, na talagang natuto kami from the semifinals, three semifinals last year, and then this year, sa Finals, sa first conference. It boils down to this game. Talagang sobrang proud ako sa mga players ko,” aniya.

-Marivic Awitan