NAUNGUSAN n i n a Grandmaster John Paul Gomez at International Master Ricky de Guzman ang karibal na sina GM Joey Antonio at FIDE Master Yoseph Theolifus Taher ng Indonesia, ayon sa pagkakasunod, upang makausad sa Top 20 matapos ang ikapitong round sa 17th Asian Continental Chess Championships (2nd Manny Pacquiao Cup) nitong Linggo.

MASAYANG nag-groupie ang mga opisyal at kalahok, sa pangunguna nina Fide Master Peter Long, Grandmasters Eugene Torre at Jayson Gonzales, matapos ang isinagawang FIDE Trainers’ Seminar nitong Linggo sa Tiara Oriental Hotel sa Makati City.

MASAYANG nag-groupie ang mga opisyal at kalahok, sa pangunguna nina Fide Master Peter Long, Grandmasters Eugene Torre at Jayson Gonzales, matapos ang isinagawang FIDE Trainers’ Seminar nitong Linggo sa Tiara Oriental Hotel sa Makati City.

Bunsod ng panalo, umarya ang dalawa sa ika-18 puwesto kasosyo ang pitong iba pa tangan ang 4.0 puntos, may 1.5 puntos na layo sa nangungunang sina GM Surya Ganguli ng India at GM M. Amin Tabatabei ng Iran.

Sunod na makakaharap ni De Guzman si IM Xu Yi ng China, habang makikipagtuos si Gomez kay GM Ehsan Ghaem Maghami ng Iran sa ikawalo at penultimate round.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nasundan ng panalo ng 58- anyos na si de Guzman ang draw match kay dating Women’s world champion GM Tan Zhongyi ng China sa nine-round tournament na itinataguyod ng National Chess Federation of the Philippines, sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission at ni Sen. Manny Pacquiao.

Tuloy naman ang pananalasa ni Gomez sa ikaapat na sunod sa huling limang laro, matapos simulan ang kampanya sa kabiguan kontra second seed GM We Yi ng China at ma-default sa ikalawang laro laban kay Filipino IM Daniel Quizon.

Sa women’s division, pinataob ni WGM Janelle Mae Frayna si Woman FIDE Master Allaney Jia Doroy para patatagin ang kampanya na makausad sa Top 10.

Nakisosyo si Frayna, 22, sa five-player tie para sa ika- 12 puwesto tangan ang apat na puntois at siguradong makakapasok sa Top 10 sakaling manaig kay WFM Dita Karenza, nagwagi kay WFM Aashna Makhija ng India sa ikawalong round.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ni Frayna, unang Pinay na nanasikwat ng WGM at naghahangad ng men’s GM title, mataposmagwagi kay WFM Aay Aisyah Anisa ng Indonesia sa naunang round.