UNANG nagkasama sina Kylie Padilla at Ruru Madrid sa telefantasya na Encantadia, kung saan minahal ng televiewers at fans ang character ni Kylie bilang si Hara Amihan, at ni Ruru bilang si Haring Ybrahim.

Ruru at Kylie copy

Kasama rin noon sa telefantasya si Gabbi Garcia, bilang si Alena, na ka-love team ni Ruru, pero nagkaroon ng twist ang story at kay Amihan na naitambal si Ybrahim.

Kontra man ang GabRu fans, wala naman silang nagawa dahil kahit sina Gabbi at Ruru ay nagsabi na rin na decision iyon ng management. Kaya kahit pinatay na ang character ni Amihan, nang magdalangtao si Kylie sa anak nila ni Aljur Abrenica, hindi na rin ibinalik ang pagtatambal nina Alena at Ybrahim. Sa halip, pumasok ang ibang character, na ginampanan ni Arra San Agustin, at siya ang nakatambal ni Ruru.

Tsika at Intriga

Nadia Montenegro sa paglaya ni Ricardo Cepeda: 'Finally, an innocent man is free!'

Hindi nawalan ng pag-asa ang mga fans nina Kylie at Ruru na kapag nagsilang na si Kylie ay may chance na muli silang igawa ng project. Ginawa na ni Ruru ang Sherlock Jr., na ikinatuwa ng GabRu fans dahil kung sa simula ng story ay si Janine Gutierrez ang katambal ni Ruru, nang mamatay ang character ni Janine ay karakter ni Gabbi ang pumalit dito.

Pero bago natapos ang action-drama series, pinatay na rin ang character ni Gabbi. Halos kasunod nito, inamin ni Gabbi na may boyfriend na siya, si Khalil Ramos, na isang Kapamilya actor.

Kasabay nito, na-link naman si Ruru kay Bianca Umali, pero hanggang ngayon ay wala pang direktang pag-amin ang dalawa, hanggang sa lumabas na ang balita na muli nang magtatambal sina Kylie at Ruru sa bagong romantic-comedy series, ang TODA One I Love.

Makaka-love triangle nila ang baguhang aktor na si David Licauco. Kasama rin sa show sina Gladys Reyes, Jackie Rice, Buboy Villar, Tina Paner, Cai Cortez, at marami pang iba.

Katatapos lang ng storycon ng movie nang ikinasal si Kylie kay Aljur. Tamang-tama naman na Christmas vacation pa, kaya kung magsisimula man ng taping ang TODA One I Love ay early January 2019 na ito.

-Nora V. Calderon