TAUN-TAON ay pinag-iisipan ng ABS-CBN Corporate Communication Team ang pa-Christmas party nila para sa entertainment media/bloggers at online writers na nakakatulong sa kanila sa loob ng isang buong taon.
Sa mga nakaraang taon ay may mga pa-contest sila para sa media bilang contestants sa existing game shows nila, tulad ng Kapamilya: Game K N Ba?, Family Feud, Singing Bee at ang pinakamaganda at masaya para sa amin ay ang Deal or No Deal (2012), kung saan kabilang kami sa sumali at hinding-hindi namin ito malilimutan. Kung bakit? I-research n’yo na lang. He, he, he!
Sa mga nakaraang taon ay isa-isa lang naming na-experience ang mga game show ng ABS-CBN kaya medyo bitin dahil kulang sa oras.
Ngayong 2018 ay sa ABS-CBN Studio Experience sa Trinoma kami dinala ng Corpcom para maranasan namin ang lahat ang game shows nila, gaya ng Pinoy Big Brother breakout housemates, The Voice, at Minute to Win It.
Hindi na namin kinaya pa ang iba pa dahil kinapos na kami sa oras.
At dahil uso ang Korean unlimited meat restaurants ngayon ay sa KPUB BBQ sa 3rd floor ang dinner with matching live band, at doon na rin ang pa-raffle.
Sobrang na-appreciate namin ang effort ng team, headed by Kane Choa, dahil walang umuwing luhaan. Yes, lahat ay nanalo sa raffle!
Kung dati-rati ay may mga tumatalak dahil hindi sila nanalo sa raffle, kakaiba ngayong taon dahil lahat ay umuwing nakangiti dahil may pambayad sila sa Grab, na sobrang mahal ngayon, o panggasolina sa mga may sariling sasakyan.
“Sinadya naming mananalo lahat. So far, napagkasya naman para lahat masaya. Siyempre, alam din namin ang feeling ng hindi nanalo. Sana masaya nga lahat ng dumating,” sabi ni Kane sa amin.
Maraming salamat sa bumubuo ng Corporate Communications team na sina Kane, Aaron, Christelle, Henry, Sheryl, Rae, Justin, Gel plus Myan, Andrew, Ryan (para sa magagandang pictures), dahil ang saya ng Christmas party, at talaga namang kakaibang experience para sa taong ito.
Hmm, looking forward ang bago ninyong pasabog para sa 2019. Happy Holidays, Kapamilya!
-Reggee Bonoan